HOLIDAY SEASONS MAPAYAPA — PNP

Bernard Banac

MAPAYAPA  at maayos ang pagrdiriwaang ng mga Filipino sa pagsalubong ng Bagong Taon at buong holiday seasons.

Ito ang security assessment ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac, mababa ang naitalang holiday incidents sa buong bansa ngayong 2019 kumpara sa nakalipas na taon.

Sinabi ni Banac, 324 na holiday incidents lamang ang kanilang naitala sa buong bansa, mababa ito kung ikukumpara sa 2018 na nakapagtala sila ng 798 incidents.

Nagpasalamat ang PNP sa  kooperasyon ng mamamayan  na kanilang ipinakita para maging mapayapa ang buong holiday seasons at ang pag-salubong ng bagong taon.

Magpapatuloy  ang pagbabantay ng mga pulis para matiyak na ligtas pa rin ang publiko na patuloy na nagdiriwang ng Bagong Taon.

Dagdag pa ni Banac, malaki ang ibinaba ng bilang ng mga insidente ng stray bullet, illegal discharge of firearms at paggamit ng ilegal na paputok.

Sa datos, 324 na holiday incidents ang kanilang naitala sa buong bansa  at mababa ito kung ikukumpara sa nakalipas na taon na umabot sa 798 incidents.

Sa datos ng PNP ngayong 2019 holiday seasons ay 81 na indibiduwal ang naitala nilang nabiktima ng mga paputok na karamihan ay mga menor de edad.

Nakapagtala rin sila ng tatlong stray bullet incidents at pitong sugatan dahil sa 21 magkakaibang kaso ng illegal discharge of firerarms o ilegal na pagpapaputok ng baril. REA SARMIENTO

2 thoughts on “HOLIDAY SEASONS MAPAYAPA — PNP”

Comments are closed.