QUEZON CITY – ISANG paglilinaw ang binitawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año at sinabing ang idineklara na pansamantalang ceasefire ng Communist Party of the Philippines (CPP/NPA/NDF) ay “meaningless” o walang halaga at para lamang ito sa kanilang propaganda.
Sinabi rin ni Año na katulad sa DND, hindi nirerekomenda ng DILG ang holiday truce ng CPP-New People’s Army (NPA) – National Democratic Front (NDF) sapagkat sinasamantala lamang ng mga ito ang naturang panahon upang mas palakasin ang kanil-ang puwersa lalo na sa darating na ika-50th anniversary ng pagkakatatag ng mga ito.
“Taon-taon na lang ay nagdedeklara sila ng tigil-putukan at pinagbibigyan sila ng pamahalaan alang-alang sa diwa ng Kapaskuhan. Sa puntong ito, huwag na nating sakyan ang mga palabas ng grupong ito,” sinabi naman ni former Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff.
“We will not allow ourselves to fall into the same trap again. We have seen time and again the insincer-ity of the Communists and their front organizations,” saad pa ng kalihim. PAUL ANTOLIN
Comments are closed.