Holidays, Feast of Nazarene, ‘di ugat sa paglobo ng Covid-19 -OCTA

HINDI nararapat isisi sa nagdaang holidays at pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno ang ugat ng pagdami ng kaso ng COVID- 19 sa Metro Manila.

Base sa latest OCTA Research report, nananatiling nakapako sa 1% ang reproduction ng Covid 19 cases sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na mga linggo. Ayon sa OCTA, ang week-to-week average number ng arawang kaso sa NCR ay nananatiling halos pareho lamang na mula sa 382 ay naging 379 base sa ulat mula sa Department of Health (DOH).

Ang positivity rate aniya sa NCR sa nakalipas na linggo ay nananatiling 4% na may average na mahigit sa 17,000 polymerase chain reaction tests kada araw habang ang sitwasyon umano sa Metro Manila ay “manageable”.

Sa ngayon, kailangang bumaba sa less than 1 production ng COVID- 19 cases ang kailangan para maikunsiderang maaaring mapababa ang restrictions sa Marso.

“We must and we will move to a better normal, but this has to start with bringing the R naught down below 1 and sustain a downward trend for at least two weeks,” ayon sa research team.

“To achieve this, government and civil society must work together to ensure monitoring and strict compliance with minimum health standards at the community level,” dagdag pa nito. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.