NAKATAKDANG magdeklara ng tigil-putukan ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (NPA) ngayong Kapaskuhan.
Ito ang kinumpirma ni CPP founding Chairman Jose Maria Sison.
Sinabi ni Sison na mahalagang magkaroon ng “holiday truce” o pahinga sa labanan para mabigyan ng pagkakataon ang mga gerilya at kanilang pamilya na makapagdiwang ng Pasko.
Pinaghahandaan din ng CPP-NPA ang ika-50 anibersaryo nito sa Disyembre 26.
Gayunman, nakasalalay pa rin sa liderato ng NPA na nakabase sa Filipinas ang deklarasyon ng cease-fire.
Comments are closed.