HOLLIS-JEFFERSON BEST IMPORT; STANDHARDINGER BPC

INANGKIN nina TNT import Rondae Hollis-Jefferson at Barangay Ginebra big man Christian Standhardinger ang top two individual awards sa 2023 PBA Governors’ Cup.

Si Hollis-Jefferson ay itinanghal na Best Import makaraang makalikom ng kabuuang 1,147 points na may 619 points mula sa statistics, 457 sa media, at 71 mula sa players.

Pumangalawa si Justin Brownlee ng Barangay Ginebra (966), sumusunod sina San Miguel’s Cameron Clark (610) at Meralco’s KJ Mcdaniels (573) sa third at fourth spot, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, si Standhardinger ang Best Player of the Conference sa nakolektang 1,110 points, kasunod si TNT gunner RR Pogoy, na may 672.

Pumangatlo si CJ Perez ng San Miguel (561) habang ang fourth at fifth spots ay kinuha nina Scottie Thompson (497) at Jamie Malonzo (456).

CLYDE MARIANO