NAGPAHAYAG ng pagsang-ayon ang Bishops of Dioceses ng Cubao at Novaliches na limitahan ang kanilang mga gagawing aktibidad sa Holy Week upang maiwasan pa ang paglobo ng bilang ng COVID-19 cases sa Quezon City.
Sa isinagawang pagpupulong, sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte na sinang-ayunan nina Bishops Roberto Gaa at Honesto Ongtioco ng Diocese ng Novaliches at Cubao ang pagpapatupad ng istriktong paghihigpit sa paggunita sa nalalapit na Holy Week na magsisimula ng Marso 28 hanggang Abril 4.
Ayon sa alkalde, pumayag ang mga nasabing obispo na pagbawalan ang pagsasagawa ng mga ‘penitentia’ o ‘traditional penance’ gaya ng ‘self-flagellation, crucifixion o self-infliction of pain.’
Maging ang pagpupulong gaya ng tradisyunal na ‘pabasa’ o pagbabasa ng ‘passion of Christ’ ay mahigpit na ipagbabawal, at hinikayat na gawin na lamang itong ‘virtual o online pabasa.’
Pinayuhan din ang publiko na gumagawa ng ‘traditional Visita Iglesia’ o ‘Stations of the Cross’ sa online.
Sususpendihin din ang pagkukumpulan ng mga deboto para sa ‘palaspas’ o Palm Sunday sa Marso 28 at ‘salubong’ o ‘welcoming of the risen Christ’ sa Easter Sunday.
“Alam kong matagal na nating itong tradisyon subalit wala tayong magagawa kundi pansamantala itong isantabi habang naririto pa ang virus at mabilis ang pagtaas ng mga kaso natin,” pahayag ng alkalde.
Base naman sa kahilingan ng mga obispo, pinayagan ang pagsasagawa ng prusisyon ng mga ‘religious images’ pero lilimitahan ang mga sasama sa convoy ng tatlong behikulo at walang ‘audience’ o ‘parishioners’ ang susunod sa imahe ng mga banal na Santo.
Sa mga nais namang masaksihan ang prusisyon ay maglalagay ng ‘livestreaming’ upang masubaybayan ang parada. EVELYN GARCIA
912279 55858Also, weblog regularly and with fascinating material to keep individuals interested in coming back and checking for updates. 707252