HOME CARE TIPS NGAYONG ENERO

HOME CARE TIPS-1

(Ni CT SARIGUMBA)

SA UNANG buwan ng taong 2019, napakarami nating gustong mang­yari o simulan. Marami tayong resolution na gustong matupad. At isa sa dapat nating pagtuunan ng pansin ngayong buwan ng Enero ay ang paglilinis at pag-aayos ng ating mga tahanan.

Maraming dahilan kung bakit ang Enero ang tamang panahon sa paglilinis at pag-aayos ng tahanan. Matapos nga naman ang holiday season, tiyak ding marami tayong kailangang asikasuhin at ayusin.

Pero marami tayong idinadahilan kung bakit hindi natin nagagawa ang mga kailangan na­ting gawin gaya na lamang ng pagde-declutter ng ating bahay. Ngunit ano’t ano pa mang dahilan ang mayroon tayo, mainam ang paglilinis at pag-aayos ng tahanan sa unang buwan ng taon.

Perfect time nga naman ito para gawing organisado ang ating mga tahanan. Kaya naman, para masiguradong malinis at organi-sado ang lugar na ating inuuwian, narito ang ilang sa mga puwedeng gawin o su­bukan:

DECLUTTER

HOME CARE TIPS-3Tiyak na hanggang ngayon ay marami pa ring kalat sa ating tahanan. Sabihin mang ilang linggo nang tapos ang holiday season, hindi pa rin natin masasabing naibalik na natin o naitago ang mga ginamit natin sa pagdedeko­rasyon o pagsalubong sa Bagong Taon.

May mga gamit o kasangkapan tayo na nakatago at inilalabas lamang natin kapag may okasyon. Ilan diyan ay ang mga kutsara, tinidor, pinggan, platito at kung ano-ano pa. Tiyak ding may mga hiniram tayong gamit sa kamag-anak na hanggang ngayon ay na-katambak lang sa ating tahanan.

Ngayon ang simula ng pag-aayos at paglili­nis ng ating tahanan kaya naman, gawin na ang mga kailangang gawin.

Kumbaga, maglaan ng panahong maayos at malinis ang bawat parte ng ating bahay upang maging maaliwalas ito.

CLOSET UPGRADE

HOME CARE TIPS-2Kung may isa pa tayong dapat na pagtuunan ng pansin, iyan ang ating closet

Sa totoo lang, isa ang closet sa ang bilis-bilis lang kumalat. Katutupi mo nga lang naman at kaaayos, wala pang ­ilang araw ay makalat na ulit.

Nakaiinis nga naman ang mag-ayos ng closet lalo na kung tila ukay-ukay na ito dahil halo-halo na ang damit sa loob.

Pero sabihin mang sobrang kalat ng iyong closet, pagtuunan pa rin ito ng pansing maayos. Oo nga’t madali itong kumalat. Pero puwede ka rin namang gumawa ng paraan para masolusyunan ang lagi’t laging problemang kinahaharap ng marami sa atin.

Puwede nating i-upgrade ang ating closet. Bumili tayo ng wooden hangers para maging organisado ang ating mga damit.

Puwede rin namang bumili ng box organizer para paglagyan ng ma­liliit na gamit gaya ng panyo.

Mainam o magandang panahon din ang buwan ng Enero upang i-check ang mga gamit na puwedeng ipamigay o i-donate at ita-pon.

Marami nga naman sa ating ang bili lang nang bili ng damit tapos hindi naman gaanong ginagamit.

May ilan ding kahit na hindi na kasya sa kanila ang mga damit o may sira na, ayaw pa ring pakawalan, itapon o ipamigay.

Pampadagdag lang ng kalat ang mga gamit na may sira na o hindi na kailangan, kaya’t panahon na para ipamigay ang mga puwede pang gamitin at itapon ang hindi na mapakikinaba­ngan.

BATHROOM UPGRADE

Huwag din siyempre nating kaligtaan ang pag-a-upgrade ng ating bathroom lalo’t madalas natin itong ginagamit.

Bukod sa pagpapanatili natin nitong malinis at maayos, siguraduhin ding walang expired na gamit o produkto ang nasa loob nito.

Kaya naman, ngayon pa lang ay i-check na ang mga bagay o produkto na nasa loob ng bathroom at alamin kung expired na ang mga ito o hindi.

Kung expired na ay itapon na ang mga ito at palitan.

Mabuti na nga naman ang sigurado.

Regular ding linisin ang bathroom. Kung may duming makita kahit na kaunti lang, linisin kaagad nang hindi dumikit.

Huwag patatagalin. Maglagay rin ng air freshener para maging komportable. Gumamit din ng bathroom cleaner at disinfecting spray para masiguro ang inyong kaligtasan.

I-CHECK KUNG MAY BUTAS ANG BUBONG AT CRACK SA BAHAY

Ngayon pa lang din ay i-check na ang mga butas sa bubong o crack sa inyong bahay nang maayos na kaagad ito bago pa lang lumala ang problema.

Huwag na nating hintayin pang magkaroon ng bagyo o umulan bago natin i-check ang kabuuan ng ating bahay.

I-CHECK ANG TUBIG AT KORYENTE

HOME CARE TIPS-4Linya ng koryente at tubig, isa pa iyan sa dapat nating i-check. May ilan na hindi ito gaanong pinag-uukulan ng panahon at na-papansin lang kapag nagkaroon na ng problema.

Dahil kadalasang short circuit ang pinagmumulan ng sunog, kailangang maging maingat tayo. Mahirap ang masunugan at ma­ging abo ang lahat ng ating pinaghirapan. Kaya kailangang maging maingat tayo at regular nating ipa-check ang ­ating koryente.

Huwag din siyempreng kaligtaang i-check ang mga pipe at gripo nang masigurong walang butas o hindi tumutulo.

Marami tayong puwedeng gawin para mapanatiling maayos, malinis at organisado ang ating tahanan gaya na lang ng ilang simpleng tips na ibinahagi namin sa inyo.

Comments are closed.