HOME CREDIT NADAGDAGAN NG 466K NEW CUSTOMERS

UMAABOT sa halos kalahating milyon ang naitalang mga bagong kostumer ng Home Credit, ang nangungunang consumer finance company.

Ayon kay Zdenek Jankovsky, Home Credit Philippines Director and Treasurer, nasa 466,000 na ang bagong kostumer ng Home Credit.

Ipinaliwanag niya na ang nasabing bilang ng bagong customers ay naitala mula noong Enero 2022 hanggang Hunyo 2022 lamang o sa unang anim na buwan ng taon.

Nangunguna pa rin o pinakamabili sa mga kostumer ang laptop o gadgets dahil sa online schooling.

At dahil na rin sa pinadali ang pag-aapply ng loan dito.

“We continuously meet the customers evolving needs through innovative financial products and services. We aim to be their ally in building a better, brighter, and resilient world,” ayon kay David Minol, Home Credit Philippines’ Chief Executive Officer.

Nabatid na 60% ng Home Credit’s active cash loan customers ay mga kababaihan habang nasa 1.6 million ang kanilang naipautang sa loob ng anim na buwan.

Marami pa aniyang commodity ang alok ng Home Credit habang sila ay patungo na sa digital transformation.