HOME GARDENING IGINIIT BILANG ESTRATEHIYA SA FOOD SECURITY

Senadora Cynthia Villar-7

IGINIIT ni Senadora Cynthia Villar ang kahalagahan ng home gardening bilang stra­tegy sa food security at pagpababa sa nutrient deficiency.

Ito ang inihayag ni Villar sa pagbubukas ng  13th Agricrops Production Training program sa  Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG) Farm School sa Bacoor, Cavite.

“During periods of stress like typhoons, occurrence of frost or volcanic eruption, we are often confronted by shortage of food supply which leads to a spike in prices. Home gardens may become the principal source of food for the household during these times,” anang senadora

“Not only can home gardening help enhance food security, it will also help families alleviate micronutrient deficiencies by providing direct access to nutritious foods that they don’t have to buy,” dagdag pa ni Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform.

Sinabi ng senadora na nakipag-partner ang Villar SIPAG sa East-West Seed Foundation para magsagawa ng  site-based vegetable production training program kung saan magkakaroon ng kaalaman ang mga kalahok sa basic knowledge at  skills sa vegetable production mula land preparation hanggang sa pag-ani na kung saan kabilang ang  urban gardening at nutrition education.

Tuturuan ang mga kalahok ng tamang pa­raan ng paghahanda ng natural fertilizers at pesticide control measures kabilang ang wastong paggamit at aplikasyon nito.

Idinagdag pa nito, tututukan ng mga kalahok ang pagsusulong sa home gardens bilang food security strategy sa pagtitiyak sa steady supply ng sariwa at ligtas na gulay para sa pamilya ng mga kalahok.

Gayunpaman, sinabi ni Villar na maaaring gawin ang home gardening ng sinuman kahit sa maliit na lupa, bakanteng lote o mga lalagyan para kaayaaya sa mga pamil­yang nakatira sa urban areas.

“We re encouraging the participants to seize the opportunity to generate savings from the harvested vegetables and explore possibilities of generating income from the planted crops through selling and processing,” giit nito.

Nabatid na simula February 5 – 13, may 250 kalahok mula NCR at Region 4A ang tinuturuan ng basic understanding sa principles ng tropical common ve­getables production, mapabuti ang techniques sa crop management para sa vegetable production sa household level, proper techniques sa pagtatayo ng urban/container garden, kaalaman sa nutritional benefits ng gulay at formulation ng organic inputs gamit ang locally available materials.     VICKY CERVALES

Comments are closed.