HOME QUARANTINE IBINAWAL (Sa COVID-19 positive)

home quarantine

HINIMOK ng pa- mahalaan ang mga magpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na magtungo sa mga iti- nalagang quarantine facilities para roon na sumailalim sa isolation sa halip na sa kanikanilang tahanan.

Ayon kay Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) co-chairperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi na nila inirerekomenda ang pagsasailalim sa home quarantine ng mga positibo sa COVID-19.

Ito aniya ay dahil mas malaki pa rin ang tsansang makapanghawa ang isang nagpositibo sa COVID-19 sa kanyang mga kasamahan sa bahay kahit pa nasa hiwalay itong kuwarto.

Iginiit ni Nograles, maluwag pa ang mga itinalagang quarantine facilities ng pamahalaan na kayang mag-accommodate o tumanggap ng mga asymptomatic at mild na kaso ng COVID-19.

“Ang dapat nating tutukan ngayon, ‘yung ‘pag magku-quarantine, we are now discouraging ‘yung mag-home quarantine. Kasi isa sa mga nakita namin, marami ang nagka ano ng COVID, ang nahawa ng COVID…Ang dangerous kasi sa home quarantine, magkakahawaan, mas malaking chances na magkahawaan dun sa kanyang pamilya o kung saan siya nakatira,” pahayag ni Nograles.

Dagdag pa nito na kahit ang mga asymptomatic o walang mga sintomas na pasyente ng COVID-19 ay isasailalim na rin sa facility quarantine.

Comments are closed.