NAIS ng pamahalaan ang mahigpit na pagbabawal sa home quarantine.
Ito ay upang mapigilan pa ang pagkalat o hawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga magkakapamilya, o sa mga magkakasamang nakatira sa iisang tahanan.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año, mayroon at sapat naman ang mga quarantine facilities ng pamahalaan, at maaari ring namang mag-isolate ang isang COVID-19 positive patient sa mga hotel na itinakda ng gobyerno bilang quarantine facilities.
Sinabi ng kalihim, napaka-importante kasing maihiwalay ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang mga kasama sa bahay upang maiwasan ang anumang pagkalat ng virus.
Gayunman, sinabi naman ni Año na posibleng exempted dito ang mga senior citizen dahil mahihirapan ang paglipat sa mga ito sa quarantine facilities.
Sa ngayon, tiniyak din Año na nakatakda namang talakayin ng Inter-Agency Task Force ang naturang hakbang na inaasahang ipatupad ngayong linggo. DWIZ882
Comments are closed.