IPINAGKALOOB ng lokal na pamahalaan ng Las Pinas ang pagseserbisyo sa pagkuha ng specimen ng mga senior citizen at persons with comorbidities sa kani-kanilang tahanan para sa COVID-19 test lalung-lalo na ang mga nakasalamuha sa nagpositibong miyembro ng kanilang pamilya.
Nag-aalok ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng pangongolekta sa mga bahay ng specimen para sa libreng RT-PCR at antigen tests.
Nais lamang ng lokal na pamahalaan na pagserbisyuhan ang mga senior citizen at persons with comorbidities sa pamamagitan ng home service COVID-19 testing upang masiguro na ang mga ito ay libre o hindi nahawahan ng virus.
Ang testing ay isasagawa sa pamamagitan ng home collection na maaaring RT-PCR o antigen test na nakadepende sa request ng residente.
Samantala, ang swab testing ay isasagawa sa Ligtas I Center habang ang antigen test ay sa Almanza Elementary School.
Para sa mga residente na nais magpakuha ng swab o anti-gen para sa COVID-19 test ay maaaring tumawag sa numerong 09271400492 at 09271400498 mula Lunes hanggang Biyernes ng alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon lamang.
Maaari namang tumawag ang mga residente sa mga hotline numbers na 09564029964 at 09614260564 para sa resulta ng kanilang swab test.
Kasabay nito, hinikayat din ang lahat ng residente ng lungsod na magparehistro sa programang baksinasyon ng lungsod upang maabot ang kanilang layunin na “Ligtas na Las Pinero, Lahat Bakunado”. MARIVIC FERNANDEZ
509418 688768stays on topic and states valid points. Thank you. 255301
491899 503859Utterly composed topic material , thanks for selective info . 264918
493318 122547Hey! Fine post! Please maintain us posted when I can see a follow up! 65337
921711 667008Hey there. I want to to inquire somethingis this a wordpress weblog as we are thinking about shifting over to WP. Also did you make this theme on your personal? Thanks. 916602