HOME SERVICE VACCINATION PROGRAM IKINASA

SINIMULAN na ng lokal na pamahalaan ng Paranaque ang pagsasagawa ng home service vaccination para sa lahat ng mga senior citizen na hindi na kaya pang lumabas ng bahay sa 16 na barangay sa lungsod.

Ang mga magsasagawa ng home service vaccination ay kinabibilangan ng team ng Pa­rañaque Health Emergency Management System (HEMS) sa ilalim ng superbisyon ng City Health Office (CHO) na isasagawa tuwing Sabado.

Nitong Sabado (Hulyo 3),binisita ng Paranaque HEMS ang tatlong barangay sa lungsod upang makapagbigay ang mga ito ng home service vaccination sa senior citizens na nais magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.

Kasabay nito, binisita rin ng Paranaque HEMS team ang Blessed Home Adult Day Care and Assisted Living na matatagpuan sa Barangay BF Homes gayundin ang Barangay Merville at Barangay Sun Valley.

Layon ng binuong programang home service vaccination ng lungsod na mabakunahan ang mga senior citizen na wala nang kakayahan pang magtungo sa mga vaccination sites dahil na rin sa kanilang iba’t-ibang uri ng karamdaman. MARIVIC FERNANDEZ

8 thoughts on “HOME SERVICE VACCINATION PROGRAM IKINASA”

  1. Of course, your article is good enough, casinocommunity but I thought it would be much better to see professional photos and videos together. There are articles and photos on these topics on my homepage, so please visit and share your opinions.

Comments are closed.