PATULOY ang pagbisita ng mga miyembro ng mobile vaccination program (MVP) team sa mga villages at subdibisyon sa Paranaque na nakapagtala ng may mataas na kaso ng coronavirus disease o COVID-19.
Ang pag-ikot sa lungsod ng grupo ng MVP ay isinasagawa upang mabakunahan ang mas marami pang residente sa ilalim ng programang baksinasyon ng lungsod na “Bakunado, Protektadong Parañaqueno Kontra COVID-19”.
Ayon sa Pamahalaang Panlunsod, ang MVP team na pinangunahan ni Dr. Jefferson Pagsisihan, medical director ng Ospital ng Paranaque 1 and 2 (OsPar 1&2), ay nakabisita na sa tatlong lugar o barangay sa lungsod na nakapagtala ng may mataas na bilang na kaso ng COVID-19 para mabakunahan ang mga senior citizens at adults with comorbidities na hindi na kayang magtungo pa sa mga vaccination sites.
Ang tatlong lugar na napuntahan na MVP team para magsagawa ng pagbabakuna ay ang Tahanan Village sa Barangay BF Homes, Don Bosco Annex at Greenheights Subdivision.
Base sa huling datos ng City Health Office (CHO) ay sinabi ni Olivarez na nakapagtala ang lungsod ng 393 aktibong kaso ng COVID-19 kabilang ang 42 bagong kaso ng virus. Marivic Fernandez
770098 376463Outstanding read, I just passed this onto a colleague who was performing a bit research on that. And he actually bought me lunch because I found it for him smile So let me rephrase that. 520035
839130 515899Certain paid google internet pages offer complete databases relating whilst personal essentials of persons while range beginning telephone number, civil drive public records, as nicely as criminal arrest back-ground documents. 856431
131330 485218This really is the sort of info Ive long been in search of. Thanks for posting this info. 371189