MABIBILI ang mga homegrown product mula sa iba’t ibang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa Mindanao sa Glorietta 3, Makati City para sa four-day Mindanao Trade Expo (MTE) hanggang Oktubre 9.
Ayon kay Yvette Marie Celi Punzalan, MTE Foundation Inc. board of director, ang 2018 expo ay tinatampukan ng mahigit sa 80 booths mula sa Mindanao at ilang bahagi ng Visayas.
Ang fair na matatagpuan sa activity center ng mall ay nagpapakita ng mga local product, tulad ng home decor at furnishings, furniture, architectural fittings, visual arts, fashion accessories, fashion textile, at local food products.
Ipinagmalaki ni Punzalan na ang inisyatibo ay matatag na lumalago magmula nang mabuo ito, 20 taon na ang nakalilipas.
“We are growing slowly but surely. It’s 23 years now. In the past, we just stay in Davao. Now we are showcasing our products here in Glorietta,” wika ni Punzalan.
Samantala, positibo si Punzalan na ang MTE ay magiging international, at sinabing nasa tamang direksiyon ang organisasyon sa paghubog sa mga exhibitor bago sila sumalang sa foreign markets.
“We really do the product development for them, so we can showcase it here in Manila and eventually abroad,” aniya.
Isang bahagi ng space ng expo, na tinawag na ‘Mindanao Pavilion’, ay isa sa special feature ng 2018 MTE, na kinikilala ang world-famous at emerging cacao producers mula sa Mindanao – mula sa Malagos chocolates hanggang sa ilang promising cacao brands.
Ang pavilion ay magdaraos din ng events, tulad ng seminars, food tasting, at product demonstrations at preparations.
Ayon sa mga organizer, ang export-grade chocolate variants na iniaalok sa expo ay bihirang makita sa mga community supermarket, tulad ng Wit’s coco sugar-coated cacao nib clusters at Cacao de Davao’s durian-filled chocolate bar.
Sinabi ni Edwin Baqurigo, Assistant Regional Director ng Department of Trade and Industry office sa Region 11, na ang Mindanao ay kasalukuyang nakaposisyon bilang main producer ng cacao sa bansa kaya pinalalakas ang promosyon nito.
“This effort is part of our strategies in promoting a competitive and sustainable cacao industry,” ani Baqurigo.
Comments are closed.