(Ni CT SARIGUMBA)
MAHILIG ang marami sa atin sa chips. Kapag nagtatrabaho, naghahanap tayo ng chips. Gayundin kapag nan-onood ng movie o mga palabas. O kaya naman, kahit sa simpleng umpukan o kuwentuhan ng magkakaibigan o pamilya, mas lumulutong ang tawanan kung may pinagsasaluhang chips.
Pero hindi lahat ng chips na nabibili sa mga tindahan, healthy. Kaya narito ang ilan sa chips na puwede ninyong gawin sa bahay gamit ang simpleng ingredients:
SPICED SWEET POTATO CHIPS
Dahil isa sa kinahihiligan ng marami ang potato chips, puwede na rin natin itong gawin sa bahay. Wala pang 30 minutes, maihahanda mo na ito sa iyong pamilya.
Ang kailangan lang naman sa recipe na ito ay ang binalatang sweet potato at hiniwa-hiwa ng maninipis, ground cumin, asukal na katamtaman lang ang dami, chili powder at asin.
Painitin lang ang oven. Pagkatapos ay ayusin ang patatas na hiniwa-hiwa ng maninipis sa baking sheet at lagyan ito ng mantika. Siguraduhin nalagyan ang bawat patatas ng mantika. Maaring gumamit ng cooking spray.
Pagkatapos ay i-bake ito sa loob ng 7 minuto. Bali-baliktarin ang patatas. Kapag naluto na, ilipat na ito sa isang lalagyan. Paghaluin naman ang cum-in, sugar, chili powder at asin. Ibuhos ito sa nilutong patatas.
EGGPLANT CHIPS
Sa mga mahihilig naman sa eggplant o talong, swak na swak din itong gawing chips. Simpleng-simple lang ang paggawa nito. Hiwa-hiwain lang ng maninipis ang eggplant, lagyan ng herbs, crushed pepper at asin. Wisikan din ng kaunting olive oil ang eggplant pagkatapos lagyan ng pampalasa saka i-bake ito hanggang sa maging malutong.
SWEET CARROT CHIPS
Isa pa sa masarap gawing chips ay ang carrots. Madali lang naman kasing makabili ng carrots at swak lang din naman sa bulsa ang presyo nito.
Ang mga sangkap naman na kakailanganin natin sa paggawa nito ay ang carrots, apple cider vinegar, tubig, honey, bawang na pinitpit ng pino, tur-meric at dried hot chili pepper.
Kagaya ng Spiced Sweet Potato Chips, napakasimple lang din ang paggawa nito. Hiwa-hiwain lang ang carrots ng pa-diagonal. Huwag masyadong kakapalan. Pagkatapos ay lutuin na ito sa steamer.
Kapag naluto na, buhusan ito ng tubig, i-drain at ilagay sa ovenproof glass.
Pagsamahin naman ang apple cider vinegar, tubig, honey, bawang, turmeric at chili pepper sa lutuan saka pakuluan. Kapag kumulo na, ibuhos na ito sa nilutong carrots. Takpan at saka ilagay sa ref. Kapag malamig na ito, puwede na itong pagsaluhan.
GARLIC BREAD SPINACH CHIPS
Kung mahilig ka naman sa spinach, ito naman ang swak para sa iyo. Simpleng-simple lang din itong gawin.
Ang kailangan lang ay ang breadcrumbs, parmesan cheese, bawang at spinach. Paghaluin lang ang breadcrumbs, garlic at parmesan cheese. Kapag nahalo na, budburan na ang spinach. Siguraduhin nababalutan ng mixture ang buong dahon ng spinach. Kapag nalagyan na ang lahat ng dahon, mag-salang na ng kawali at saka ito lutuin.
CINNAMON APPLE CHIPS
Isa pa sa siguradong magugustuhan ng bawat tsikiting ay ang Cinnamon Apple Chips. Kaya puwede mo rin itong subukang gawin. Ang mga kailangan naman sa paggawa nito ay ang apple (hiwain ito ng maninipis), white sugar at ground cinnamon.
Painitin ang oven. Habang pinaiinit ang oven, ayusin na ang apple slices sa baking sheet.
Paghaluin ang asukal at cinnamon saka isa-isang lagyan ang apple slices. Kapag nalagyan na ng sugar-cinnamon mixture ang lahat ng mansanas, i-bake na ito hanggang sa lumutong.
Hindi ba’t napakadali lang? Kaya’t subukan na! Paniguradong magugustuhan ito ng iyong buong pamilya.
Napakarami nating prutas at gulay na maaaring gawing chips. Kaysa nga naman bumili pa ng chips, bakit hindi na lang subukan ang magluto o ang gumawa sa bahay.
Comments are closed.