BILANG paglaban sa coronavirus disease (COVID-19) nagsagawa ng iba’t ibang pamamaraan ang ilang mga Homeowners Association sa bawat barangay sa Lungsod ng San Jose Del Monte. Isa na rito ang Skyline Village. Bawat pumapasok na mga sasakyan ay ididisinfect para sa kasiguraduhan na makaiwas sa Virus. Kasama din sa disinfection ang bawat bahay sa loob ng Village.
Ayon kay G. Ramon Reyes Sr., residente ng Skyline Homeowners Association ito ay napagkasunduan ng mga opisyal nila para sa paglaban ng Covid 19.
Samantala, upang maipatupad ang social distancing at makaiwas sa sakit. Simula noong Lunes (Abril 13) ay ipinatupad na sa Tungko Commercial District ang mga schedule ng bawat barangay.
Ang mga pwedeng mamalengke sa mga araw ng Lunes, Martes at Biyernes ay ang mga barangay Graceville, Kaypian, Muzon, Maharlika, F. Homes-Guijo, F.Homes-Mulawin, F.Homes-Narra, F. Homes-Yakal, Poblacion, Poblacion I at Dulong Bayan. Ang Miyerkules, Huwebes, Sabado naman ay ang mga Barangay Sto. Cristo, Gaya-gaya, Tungkong Mangga, San Manuel, Gumaoc East, Gumaoc Central, Gumaoc West, San Roque, Kaybanban, San Isidro at Paradise III.
Lahat lamang ng residente sa nasabing Barangay sa District I ang maaring lamang mamili rito. Mahigpit din ipinatututpad ang pagsusuot face mask at dalhin ang quarantine pass at ID. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.