NAKATAKDANG maglabas ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng memorandum circular para matigil na ang paggamit ng social media sa pagbibigay ng homework at project sa eskuwelahan.
Para kay Information Technology Officer Gen. Macalinao, dapat nang mabago ang nakagawian ng mga guro na paggawa ng group chat para roon sabihin sa mga estudyante ang mga announcement.
Ang hakbang na ito ay bunga ng reklamo ng mga magulang na may ilan umanong mga guro ang gumagamit ng Facebook o Messenger para magpagawa ng mga assignment o project sa mga estudyante.
Giit ni Macalinao na mas mainam gamitin ang tamang platform sa pagpapakalat ng impormasyon tulad ng email/gmail kaysa sa social media.
Idadaan muna sa konsultasyon ang nasabing isyu sa tanggapan ng DICT.
Comments are closed.