Isa sa mga paborito ko ang hopyang munggo. Ayoko ng baboy dahil parang lasang toasted siopao. Gawa ito sa flaky pastry na may palamang munggo o baboy, pero pwede rin namang ube. Kaya ngayong araw na ito, isi-share ko sa inyo ang aking home-made hopya na siguradong magugustuhan nyo rin. Hindi na po kailangan ng oven dahil kawali lang, okay na. heto po ang aking recipe.
Sa totoo lang, matagal bago ko na-perfect ang recipe na ito dahil medyo complicated. Manipis kasi ang flaky pastry na pambalot sa palaman. Mahirap ding iporma at medyo matrabaho, lalo na at ngayon pa lamang ako talaga natututong magluto.
Heto na po ang kauna-unahan kong perfect hopia, direct from Lansing, Utah, USA na tinawang kong Naya’s Hopia. Hopya like it!
Para sa palaman, kailangan natin ng minatamis na munggo o kaya naman ay halayang ube. Hopya lang po ang ibibigay ko ngayon at saka na lamang ang halaya at munggo paste.
Kailangan natin ng palamang munggo o ube at sa masa naman, kailangan natin ng 1 cup flour, 1 tablespoons sugar na tinunaw sa ¼ cup tubig; ¼ cup shortening o lard na hinati-hati sa maliliit na cubes; konting asin. Set aside muna.
Sa ikalawang masa, kailangan ang ½ cup flour at ¼ cup shortening.
Para naman sa egg wash, kailangan ang isang itlog na binati at hinaluan ang ¼ cup na tubig.
Sa paraan ng paggawa, unakin natin ang flaky pastry. Pagsama-samahin ang mga sangkap ng unang masa sa isang bowl gamit ang kutsara o tinidor. Haluing mabuti hanggang sumama ang harina sa lard. Dagdagan ng konting tubig kung sobrang tuyo. Masahin ng bahagya hanggang magsama-sama at makabuo ng bola. Balutin ng plastic o katsa at santabi muna.
Sa isa pang bowl, pagsama-samahin naman ang mga sangkap ng ikalawang masa hanggang kuminis. Santabi rin.
Ngayon, kunin ang unang masa at hatiin sa mga rectangle na half inch ang kapal. Ilagay ang ikalawang masa sa pagitan ng dalawang sheets ng plastic wrap o parchment paper ay i-roll sa rectangle na ang laki at ⅔ ng laki ng unang masa. Ilagay abg ikalawang masa sa ibabaw ng unang masa, na tinatakpan ang 2/3 ng rectangle sa kaliwang panig. Tupiin ang ikatlong bahaging hindi natakpan mula sa kaliwa sa ibabaw ng gitnang bahagi. Pagkatapos, tupiin ang natitirang ikatlong bahagi sa sa ibaba ng mga layers, kaya magiging tatlong layers ito.
Baligtarin at ibalik sa original size at ulitin ang three-fold process. Gawin ito ul isa ikatlong pagkakataon. Matapos ang huling tupi, hayaan muna ang masa ng 5-10 minutes para maka-relax ang gluten.
Pagulungin uli ang masa, putulin sa dalawa, lengthwise, at pagulungin hanggang 2 cylinders na parang jelly roll. Putulin ang mga cylinder sa 12 equal parts. Ilagay sa bowl at takpan ng basang katsa o plastic para hindi matuyo.
Kumuha ng isang piraso at pipiin gamit ang rolling pin. Panipisin ng manipis na manipis, bilugin at lagyan ng isang kutsaritang palaman sa gitna. Isara ang mga edges sa pamamagitan ng paglalagay nito sa gitna. Kurutin ng bahagya upang sumara at pisilin.
Kumuha ng kawali at lagyan ng konting konting mantika. Painitin sa mahinang mahinang apoy ay iprito. Kung may oven naman, ilagay sa baking sheet na may parchment at i-bake sa 180°C/350°F ng 15-20 minutes o hanggang maging slightly golden. Medyo lolobo habang niluluto pero okay lang. I-brush ng itlog at muling i-bake ng limang minuto. Palamigin, at pwede nang kainin.
– SHANIA KATRINA MARTIN