HORMEL FOODS IPINABALIK ANG SPAM AT LUNCHEON LOAF DAHIL SA METAL CONTAMINATION

IPINABALIK ng Hormel Foods Corp. ang tinatayang 228,614 pounds ng canned pork at chicken products na malamang ay kontaminado ng foreign matter, lalo na ang mga pira-pirasong metal, ayon sa report ng US Department of Agriculture’s Food Safety and Inspection Service (FSIS).

Ang canned pork at chicken products ay naiprodyus noong Pebrero 8 hanggang Pebrero 10, 2018, pahayag ng FSIS na inilabas noong Mayo 26.

Hinimok ng FSIS ang mga nakabili ng produkto na huwag nang gamitin o kainin ang mga ito.

“These products should be thrown away or returned to the place of purchase,” ayon sa FSIS.

Ang mga sumusunod na produkto ang ipinabalik ng Hormel Foods: 12-oz. metal cans containing “SPAM Classic” with a “Best By” February 2021 date and production codes: F020881, F020882, F020883, F020884, F020885, F020886, F020887, F020888 and F020889; 12-oz. na metal cans na nagtataglay ng “Hormel Foods Black-Label Luncheon Loaf” na may nakalagay na “Best By” February 2021 ang petsa at production codes F02098 at F02108.

Ayon sa FSIS, ang mga produkto, na ipi­nabarko mula Amerika hanggang Guam, ay nagtataglay ng establishment number “EST. 199N” sa ilalim ng lata.

Dumating ang desisyon ng pagpapabalik ng mga produkto matapos makatanggap ang kompanya ng ilang rek­lamo na napansin ang metal objects na natag­puan sa loob ng de-latang produkto.

“There have been reports of minor oral injuries associated with consumption of the products. FSIS has received no additional reports of injury or illness from consumption of these products,” ayon sa FSIS.

“Anyone concerned about an injury or illness should contact a healthcare provider,” ayon sa pahayag.

Comments are closed.