KINUHA ng Charlotte Hornets si forward Gordon Hayward sa isang sign-and-trade deal mula sa Boston Celtics.
Bukod kay Hayward, nakuha rin ng Charlotte ang 2023 at 2024 second-round draft pick kapalit ng protected 2022 second-round draft pick at gumawa rin ng trade exception para Boston.
“We are thrilled to welcome Gordon and his family to the Hornets organization and Charlotte,” wika ni Hornets President of Basketball Operations Mitch Kupchak sa isang statement.
“Gordon is an NBA All-Star, a proven scorer and playmaker and a tough competitor that will fit well into the needs of our team. We believe that his basketball talent, NBA experience and veteran leadership will make a positive impact on our young, talented team as it continues to develop.”
Ang Charlotte ay tumapos na 10th sa Eastern Conference noong 2019-20 na may 23-42 record.
Si Hayward ay may average na 15.3 points, 4.4 rebounds at 3.5 assists per game sa kanyang 10-year NBA career, na kinabibilangan ng stops sa Utah Jazz at Boston. Isa siyang career 45.1 percent shooter, kabilang ang 36.6 percent mula sa 3-point range at 82.3 percent sa foul line.
Sa 29 playoff games, si Hayward ay may average na 15.0 points, 4.6 rebounds atb2.9 assists per game.
Ang Celtics ay nasibak sa Eastern Conference Finals sa 2020 playoffs na idinaos sa isang ‘bubble’ malapit sa Orlando dahil sa COVID-19 pandemic.
Comments are closed.