HORROR HOUSE SA TACURONG CITY PATOK

HORROR HOUSE

SULTAN KUDARAT – DAHIL panahon ng kababalaghan, atraksiyon at dinarayo ang isang abandonadong bahay sa Purok Ilang-Ilang, Barangay New Isabela, Tacurong City.

Naisipan ng ilang mga lokal na opisyal na gawing horror house ang bahay na hindi na tinirhan ilang taon na ang nakalilipas.

Sa labas pa lang ng bahay ay siguradong magkakainteres na ang mga turista lalo na at may dalawang hugis multo na sumasalubong sa kanila at karatulang nagsasabing “Welcome to the House of the Dead.”

Mayroon ding mga nakatatakot na nilalang na naka-costume ng killer clown, aswang, cannibal, at may mga munting nitso rin kung saan nakasulat pa ang pa­ngalan ng ilang mga sikat na personalidad na pumanaw.

Ayon kay Yolanda Maza, purok leader sa barangay, tulong-tulong ang ilang mga residente at opisyal sa paggawa ng mga nakata-takot na props upang maging makatotohanan ito.

Layunin nito na makalikom sila ng pondo para sa pagpapaganda ng kanilang lugar, samantala hindi naman sosobra sa P50 ang en-trance fee sa horror house. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.