Hospicio De San Jose, Liwanag sa dilim

SA mga nawawalan ng pag-asa sa buhay … mga nag-iisa sa buhay at walang nagmamahal … sa mga babaing niloko o pinagsamantalahan, at sa mga batang inabandona ng magulang, bukas ang Hospicio de San Jose para sa kanila.

Sa mahihirap na lugar sa Kamaynilaan, may mga nakatatandang inaabandona. Marami sa kanila ang kinandili ng Hospicio de San Jose, upang bigyan ng maayos na buhay, upang hiindi maging palaboy sa lansangan. Sa pamamahala ng Daughters of Charity ng St. Vincent de Paul mula pa noong June 1, 1865, ito ang kauna-unahang charitable institution sa Pilipinas na itinatag noong December 1810 at matatagpuan sa “Isla de la Convalescencia” islang nasa gitna ng Ilog Pasig.

Noong una, para lamang ito sa mga pulubi. Kalaunan, nagbukas na rin ito para sa mga inabandona, ulila at pinabayaang mga bata. Sa ngayon, mayroon na silang apat na Major Residential Program. Una, ang Child and Youth Welfare and Development Program para sa mga inabandona, ulila at napabayaang mga bata.

Kasama sa kanilang serbisyo ang Adoption/Foster Home Placements, Pansamantalang Residential Care, Tahanan para sa mga College Student Scholars, After-Care Services para sa nakabalik sa kanilang biological families.

May programa sila sa mga Persons with Special Needs, serbisyo para sa mga nakatatandang walang kaanak, at ang huli ay ang Crisis Intervention Program na may sumusunod na sub-components:

1. TAHAN Crisis Center para sa mga nabuntis na babae, mga tao o pamilyang nawalan ng tahanan, mga migrants at refugees, mga taong may sakit a nagpapagamot sa Maynila at nangangailangan ng pansamantalang tahanan, at mga biktima ng kalamidad.

2. Sanctuario ng mga inabuso/biktima ng trafficking;

3. “Food for Life Program” para naman sa mga tao o pamilyang walang tahanan sa Maynila

Kinikilala ang Hospicio ng Department of Social Welfare and Development na isang mahusay na asilo sa Pilipinas. Noong 2008, nagsimula silang magpakain sa 100 street people tuwing Miyerkules ng gabi. Noon namang 2011, itinatag ang charity clinic na tinawag nilang “Rendu Community Center” sa isang bakanteng bahay nap ag-aari rin ng Hospicio sa Pasay City, kung saan tuwing hapon, dumarating ang mga nars at duktor mula sa San Juan de Dios Hospital para sa libreng medical check up sa mga walang pambayad sa ospital.

Bilang pagdiriwang ng ika-150 anibersaryo ng Daughters of Charity sa Pilipinas boong 2012, sinimulan ng Hospicio ang programang “Food for Life” para sa 150 street people. Sa programang ito, kinikilala nila ang mga taong walang tahanan at inaalam kung bakit sila napunta sa kalsada. Syempre, kasama na rito ang pagbibigay sa kanila ng pagkain, medical attention, damit at iba pang pangangailangan.

Tuwing Lunes, Miyerkukes at Biyernes, magtutungo ang mga street people sa Hospicio sa umaga para maligo at kumain ng almusal. Iniinterbyu sila at binibigyan ng human and values at catechetical/spiritual formation.

Pagkatapos nito, pakakainin sila ng tanghalian.

Sa abot ng kanilang makakaya, tumutulong sila sa nangangailangan. Nagtayo din sila ng Livelihood and Skills Training Center para makapagbigay ng Vocational Skills Training sa Cookery at Baking Bread and Pastries para sa mga Kabataang walang tahanan upang magkaroon sila ng kakayahang makahanap ng trabaho.

Kaagapay ang TESDA at mga iskwelahan sa Bulacan, marami rin silang nabigyan ng trabaho. Skills Training and Job Placements ang priority ngayon ng Hospicio para sa mga homeless beneficiaries.

Sa lahat ng kanilang serbisyo, ang tulong sa mga abandonadong nakatatanda ay masasabing malaking liwanag sa madilim nilang hinaharap. Sa kakaunting panahong nalalabi sa kanilang buhay, nararapat lamang na makaranas sila ng kaunting pagmamahal at kalinga. At salamat yon sa Hospicio deSan Jose. NLVN