NANANAWAGAN ng tulong at donasyon ang pamunuan ng Hospicio de San Jose sa Maynila para sa daan-daang indibidwal na kanilang kinakalinga, matapos na isailalim sa lockdown ang kanilang institusyon nang magpositibo sa COVID-19 ang ilang kawani nito.
Nabatid na may 14 na kawani at apat na matatanda na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Hospicio de San Jose ang nagpositibo sa COVID-19 na nagresulta sa lockdown. Isa na umano sa mga ito ang binawian ng buhay kamakailan.
Sa kasalukuyan, isinasailalim na ang lahat ng empleyado sa swab testing at hindi sila pinahihintulutang makalabas ng Isla Convalencencia.
Dahil sa sitwasyon, pinangangambahan ng mga madre ng Sisters of the Daughters of Charity, na siyang nangangasiwa sa Hospicio, na magkaroon ng kakulangan sa suplay ng pagkain para sa may 450 bata at matatanda na kanilang kinakalinga doon.
“Hospicio de San Jose, an orphanage under the management of the Sisters of the Daughters of Charity, is presently under lockdown. 14 of their staff and 4 elders are found to be covid positive and 1 of the elders already died. All are now undergoing swab test. They are not allowed to leave Isla Convalecencia.
They are running out of food because nobody is donating to them and the sisters are worried about the children and elders,” apela ng pamunuan ng Hospicio de San Jose.
Nabatid na partikular na kinakailangan sa ngayon ng Hospicio de San Jose Orphanage ang mga donation in kind gaya ng pagkain, mga diapers at gatas na pang-sanggol at pang-matanda.
Para sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong maaring makipag-ugnayan kay Sister Marcelita Catarina D.C. ng Hospicio de San Jose sa numero bilang 0908 865 0251 at 0945 481 8930 o kaya naman ay personal na magdala ng donasyon sa Hospicio de San Jose na matatagpuan sa Ayala Bridge, Quiapo, San Miguel, Manila.
Maaari rin umanong mag-e-mail address sa [email protected] o di kaya ay magpadala ng donasyong pinansiyal sa * BPI, M.H.DEL PILAR BRANCH, HOSPICIO DE SAN JOSE, 8103-0986-62; * METROBANK, U.N. AVE. HOSPICIO DE SAN JOSE 175-3-17550678-1.
Ang sinuman umanong nais madeposito ng donasyon sa kanilang account ay maaaring mag-email ng kopya ng deposit slip sa email address ni Sister Corrie sa [email protected] upang maisyuhan sila ng official receipt.
Maaari rin umano silang tumawag sa landline number na 87342366. Wala umano silang minamantineng Facebook page. Ana Rosario Hernandez
686027 555690extremely good goodthis post deserves almost absolutely nothing hahaha merely joking: S nice write-up: P 746917
263539 989467All you want to know about News details to you. 85197