HOSPITAL BILL NG COVID-19 PATIENTS BUONG BABAYARAN NG PHILHEALTH

PHILHEALTH

PASIG CITY-NILINAW ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHeath) na kanilang babayaran nang buo ang hospital bill ng  mga pasyenteng may Coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa state health insurer, ang mga pasyente na una nang nagbayad ng hospital bill sa kagustuhang makauwi agad kapag nakarekober na ay maaaring mag-reimburse nang buo sa PhilHealth.

Gayunman, sakop lamang ng full reimbursement scheme ang mga naospital sa nasabing sakit at nagbayad sa ospital simula Pebrero 1 hanggang Abril 14.

Gayunman, epektibo Abril 15 pataas, ang lahat ng maa-admit sa ospital na tinamaan ng COVID-19 ay sakop ng bagong case rate benefit package.

Sa anunsiyo pa ng PhilHealth, ang guidelines para sa refund o reimbursement ay agad nilang ilalabas. EC

Comments are closed.