HOSTING NG FIBA QUALIFIERS BALIK SA PINAS

Al Panlilio

MALUGOD na tinanggap ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang oportunidad na muling i-host ang 2021 FIBA Asia Cup qualifiers kasunod ng pag-atras ng Doha.

Ang Filipinas ang unang opsiyon na mag-organisa ng ilang February qualifying games, subalit umurong sa hosting nang magpatupad ang pamahalaan ng travel restrictions sa gitna ng banta ng bagong COVID-19 variant.

Sinalo ng Qatar basketball federation ang hosting, subalit umatras noong Biyernes dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.

Ilang oras makaraang makansela ang Doha tournament, inanunsiyo ng FIBA, ang world governing body ng sport, sa isang statement na ibabalik sa Filipinas ang hosting ng games, kasama ang Lebanon.

Ayon sa SBP, ang national governing body ng sport, tinanggap nito ang hosting makaraang luwagan kamakailan ng Philippine government ang community restrictions.

“What we have to remember during these difficult times that the entire international basketball community is part of one team,” sabi ni Al Panlilio, presidente ng  SBP.

“We must do our best to help each other as much as we can. We know that our great fans from all over Asia draw a lot of inspiration from their respective national teams and this is why hosting these games holds a lot of value even during a pandemic.”

Comments are closed.