HOT MEAT NASABAT SA TERMINAL MARKET SA ILOILO

HOT MEAT

TINATAYANG nasa 40 kilo ng hot meat ang nasabat ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa kanilang maagang inspeksiyon sa Iloilo Terminal Market kamakailan.

Sinabi ni Jose Ariel Castañeda, Local Economic Enterprise (LEE) na opisyal ng city government, ginawa ang inspeksiyon para masiguro na ang karneng ibinebenta sa merkado ay ligtas kainin.

“The veterinarian saw that the meat being sold were already spoiled,” kaya hindi ito ligtas para kainin ng tao, lahad ni Castañeda sa isang panayam.

Hindi naituro ng mga nagtitinda ang pinagkunan ng hot meat dahil ang produkto ay kinuha sa iba’t ibang pinagmulan at magkakahalo na habang ito ay nakaimbak sa freezer.

Puwede pa raw magbenta ang mga tindero na nakumpiskahan ng hot meat pero sinabi ni Castañeda pagmumultahin sila kapag nahuli silang gumawa ulit ng parehong paglabag.

Sa kabilang banda, ang mga nakum­piskang karne at dadalhin sa katayan at ibabaon sa lupa.

Higit pa rito, ang nagtitinda na nahu­ling lumabag sa sanitary standards ay nahuli rin.

“The violations range from the use of dirty display area, improper cover where the meat were laid, improper lighting, improper hook used to display the meat,” sabi niya.

Sinabi pa niya ang dapat gumamit ang mga vendor ng ilaw na hindi nagbubuga ng ibang kulay maliban sa puti o normal “because the buyer might be confused with the actual appearance of the meat”.

Sinabihan ang mga nagtitinda na ang paglabag ay “unhealthy” sa kanilang negosyo at dapat silang sumunod sa basic guidelines at meat safety standards.

Pinaaalalahan din niya ang mga konsyumer na humingi ng meat inspection certificate sa mga nagtitinda para masi­guro na ang kanilang binibili ay ligtas kainin. Makapagbibigay rin ito ng engganyo sa meat vendors para sumunod sa pamantayan. PNA

Comments are closed.