HOT MONEY NET INFLOW LUMIIT

BSP

PATULOY ang paglabas sa bansa ng short-term investments na isinagawa ng international players sa mga unang linggo ng Oktubre, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng BSP, ang naitalang foreign portfolio investments (FPI) para sa unang dalawang linggo ng Oktubre ay nagposte ng net outflow na $101.29 billion.

Pagpapatuloy ito ng net outflows na naitala sa naunang buwan sa $440 million. Gayunman ay mas maliit ito kumpara sa $625.5 million net outflow na nairehistro sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang foreign portfolio investment ay tinatawag ding ‘hot money’ dahil sa kaluwagan ng pagpasok at paglabas ng pondo sa merkado

Dahil dito ay umabot ang kabuuang FPI net inflow ng bansa sa  $60.43 million para sa buong taon hanggang noong Oktubre 12.

Sa kabila ng maliit na net inflow,  mas magandang indicator pa rin ito kumpara sa $831.8 million net outflow na naitala sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Noong nakaraang buwan, isinisi ng BSP ang net outflow ng FPIs sa patuloy na pagkabahala ng mga investor sa trade tensions sa pagitan ng Estados Unidos at China, sa humihinang Philippine peso at sa patuloy na pagsipa ng inflation na maaa­ring pinalala pa ng epekto ng bagyong Ompong.

Ang Estados Unidos ay nananatiling pangunahing destinasyon ng outflows, na tumanggap ng 73.7 percent ng total hot money remittances sa nasabing buwan. BIANCA CUARESMA

Comments are closed.