HOTDOG ANG UNANG MENU NG McDONALD’S AT HINDI HAMBURGERS

ANG orihinal na ibinebenta ng McDo­nald’s ay hotdogs, hindi hamburgers. Binago nila ang kanilang strategy noong 1948 at ginawa itong burgers and milkshakes joint. Sinubukan nilang ibalik ang hotdogs noong 1990s sa Midwestern U.S. locations pero hindi successful.

Pagdating naman sa hamburger, ang unang McDonald’s menu ay Pure Beef Hamburger, na 100% pure beef burger na nilagyan ng konting asin at paminta. Nilagyan din ito ng tangy pickle, chopped onions, ketchup at mustard.

Sina Richard and Maurice McDonald ang original founders nito, nang nang magbukas sila ng hotdog stand malapit sa Santa Anita racetrack sa Arcadia, California, noong late 1930s. Noong 1955, naghanap ang magkapatid ng new franchising agent at doon pumasok si Ray Kroc. Pinondohan niya ang McDonald’s System, Inc., kung saan nagsimula ang McDonald’s Corporation, at makaraan ang anim na taon, binili niya ang exclusive rights sa panga­lang McDonald’s pati na ang operating system

Binili nga ito ni Ray Kroc hindi pala isinali ng magkapatid ang original McDonald’s restaurant sa San Bernardino. Feeling ni Kroc ay nadaya siya pero ipinilit pa rin ng McDonald brothers ang gusto nila.

Dito nagsimula ang lahat. Sa ngayon, sobrang mura ng burgers sa McDonald’s. Noong 1980s, $1.60 o sa piso, P15.50 ang Big Mac Value Pack. Nag-focus kasi sila noong 1980s sa value meals na kadalasang binibili ng mga estudyante.

Sa ngayon, ang net worth ni Kroc ay $600 million. – SHANIA KATRINA MARTIN