HOTDOG BABABA ANG PRESYO SA MATATAG NA PISO

HOTDOGS

MAKATUTULONG ang matatag na piso sa pagbaba ng gastos sa produksiyon para sa food processing company at Bossing hotdog producer Frabelle, pahayag ng kanilang pre­sidente kamakailan.

Ang mababang gastos ay magdudulot din ng pagbaba ng presyo kapag nagpatuloy pa ang piso sa pagtatag laban sa dolyar, ani Frabelle Fishing Corp president Francisco Tiu Laurel Jr.

Nagsara ang piso sa P51.365 laban sa dolyar nitong Martes, ang pinakamalakas niya mula noong Pebrero noong nagdaang taon.

“It’s good news for us, as it will make our cost lower as the peso goes stronger. The product can be more affordable in the fu-ture as we would like to share whatever cost advantage we would have from the strong peso to the consumers,” pahayag pa ni Lau-rel.

“We hope that more competitive price will attract more people to buy more products,” dagdag pa niya.

Nakipag-sanib puwersa ang Frabelle kamakailan sa isa sa pinakamalaking US sausage manufacturer Johnsonville.

 

 

Comments are closed.