DAHIL pa rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, bawal na ang pag-inom, pagbebenta at pagbili ng mga inuming nakalalasing sa Cebu kasabay ng pagpapahaba ng curfew.
Ayon kay Acting Mayor Michael Rama, alinsunod sa Executive Order No. 136, Acting Mayor Michael Rama nagsimula noong Hulyo 25 o noong Linggo ang liquor ban sa lahat ng pampublikong lugar.
“It shall be prohibited for any person, including owners and managers of hotels, resorts, restaurants, convenience stores, sari-sari stores and other establishments to serve and/or drink intoxicating liquor in any public place within the City of Cebu,” ayon sa EO.
Gayunman, hindi naman sakop ng kautusan ang mga hotels, resorts at iba pang accommodation establishments na magsi-serve ng ng alak sa in-house guests.
Kasabay ng kautusan ang pagpapahaba ng curfew na mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw na dati ay ay alas-11 ng gabi nagsisimula.
Samantala, hindi naman masisita sa curfe ang mga authorized persons outside of residence (APORs); workers (call center agent) sa business process outsourcing firms; workers sa industriya ng pagkain at essential deliveries; health workers; at government frontiners.
Magugunitanong noong Sabado, Hulyo 24 , ay naitala ang bagong 308 new COVID-19 cases sa nasabing lungsod kaya pumelo na sa 2,009 ang kabuuang impeksyon sa Cebu City na nasa modified general community quarantine hanggang Hulyo 31.
459738 449748When do you think this Real Estate market will go back in a positive direction? Or is it nonetheless too early to tell? We are seeing plenty of housing foreclosures in Altamonte Springs Florida. What about you? Would enjoy to get your feedback on this. 641521
670218 99759I discovered your blog site site on the search engines and check several of your early posts. Always preserve up the really very good operate. I recently additional increase Rss to my MSN News Reader. Seeking for toward reading a lot a lot more on your part later on! 568005
544087 331204Seriously extremely very good contribution, I actually depend on up-dates of your stuff. 905338