Inihayag ng Philippine Hotel Owners Association (PHOA) na naghahanda na ang mga hotel at resort sa pagdagsa ng mga turista sa bansa.
Ayon sa PHOA, tuloy-tuloy ang pagpapa-seminar sa basic occupational safety and health sa mga tauhan ng mga establisimyento.
Dadag pa ng PHOA, na nagpapatupad na rin ng mga ventilation guidelines sa mga hotel bilang pagtugon sa pagiging airborne ng virus.
Matatandaang inalis na ang mga quarantine protocol sa mga international travelers at returning overseas filipino (ROF) na fully vaccinated na bibisita sa Pilipinas.
Samantala, tiniyak din ng PHOA na halos 100% na ang vaccination rate ng mga empleyado ng mga hotel at resort.