QUEZON CITY – NATARANTA ang front desk at iba pang tauhan ng isang hotel makaraang matagpuan ang isang granada sa loob ng nasabing pasilidad sa lungsod na ito.
Noong Miyerkoles (Mayo 1) pa nakita ang granada sa loob ng hotel pero ngayong araw lamang inilabas ng Quezon City Police District (QCPD) ang report tungkol dito.
Ayon sa QCPD, isang Peter Thairo Trilam, 24-anyos ang nag-check in sa hotel kasama ang kaibigan sa Barangay Loyola Heights, alas 6:00 ng gabi noong Mayo 1.
At sa kitchen ng kanilang kuwarto ay may nakita siyang kulay itim na pouch.
Nang buksan nila ito ay nagulat silang may laman itong granada.
Agad silang tumawag ng security personnel ng hotel at nakipag-ugnayan sa Anonas police station.
Nai-turnover na sa QCPD bomb aquad ang granada habang patuloy ang imbestigasyon para malaman kung sino ang nag-iwan nito sa hotel.
Comments are closed.