SUPORTADO ng ACT-CIS Partylist ang plano ng gobyerno na pansamantalang i-take over ang mga hotel na hindi nag-ooperate para gawing quarantine o isolation facilities.
Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap, “puno na ang mga ospital at wala ng paglagyan ang mga may mild COVID symptoms.”
Aniya “suportado namin ang sabi ng pangulo na puwedeng i-take over ng pamahalaan ang mga hotel na sarado para gawing temporary quarantine o isolation facilities”.
Dagdag pa ni Yap, puno na ang mga ospital dahil pati mga may mild symptoms ay naka-admit sa mga ospital.
“Kung hindi naman serious, siguro puwede na ilagay sa mga hotels turned isolation facilities ang mga pasyenteng ito”, dagdag pa ni Yap.
Una ng sinabi ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo na pwedeng i-take over ng gobyerno ang mga hotel sa panahon ng emergency. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.