HOTELS, NEGOSYO SA MLA BAY (Ipasasara ni Duterte kapag hindi nagsipaglinis)

Manila bay

IPASASARA ni Pa­ngulong Rodrigo Roa Duterte ang mga hotel at iba pang mga establisimiyentong  nasa  paligid ng Manila Bay na hindi magpapanatili sa kalinisan ng kanilang  kapaligiran.

Iniutos na ni Pangulong Duterte kina Interior Secretary Eduardo Año at Environment Secretary Roy Cimatu na magsanib-puwersa sa pagsasagawa ng rehabilitasyon sa lugar.

Kailangan  umanong  mapanatili ng mga ito ang kanilang sewage at wastewater treatment facilities.

“Whether they like or not itong mga hotel ipalabas niyong tae ng mga turista, lagyan ninyo ng water treatment ‘yang hotel n’yo ‘pag hindi sarahan ko ‘yan. Huwag mo akong hamunin,” ayon sa Pangulo.

Hindi umano  mamamatay ang mga Fi­lipino kung walang turista.

“Kung wala tayong turista eh ‘di wala. Hindi naman tayo mamamatay. You do something about your waste there otherwise I will close. Sigurado ‘yan. Is that the way how to do it? You swim among the germs of humanity? Buti sana kung iyo or at least sa Filipino na dumi.”

Matatandaang  sinabi ni Bugdet Secretary  Benjamin Diokno na ipinag-utos na rin sa kanya ng Pangulo ang paglilinis ng Manila Bay gaya ng rehabilitasyon sa Boracay Island kasabay ng pag-apruba ng malaking pondo para rito.

Pumayag na ang Pa­ngulo sa paggamit ng P47-bilyong pondo para sa pitong taong rehabilitasyon ng lugar, na ilang taon nang nahaharap sa isyu ng matinding polusyon. AIMEE A

Comments are closed.