HOTSHOTS AYAW PAAWAT

hotshot vs blackwater

RUMATSADA ang red-hot Magnolia sa anim na sunod na panalo at sinamahan ang ilang koponan na tumapos na may 7-4 kartada sa -elimination phase ng PBA Philippine Cup bubble play sa Angeles University Gym sa Pampanga.

Dinispatsa ng Hotshots ang  Blackwater Elite, 95-80, at nakatabla ang San Miguel Beer, TNT Tropang Giga, San Miguel Beer, Alaska Milk at Meralco.

Ang pagtatabla ay babasagin ng quotient system upang matukoy ang final playoff seedings.

Sa kanilang unang torneo sa ilalim ni coach Nash Racela, ang Elite ay tumapos sa ika-10 puwesto na may 2-9 marka, kung saan natalo sila sa lahat ng kanilang sumunod na laro matapos ang 2-1 bubble start.

Kumayod nang husto ang  Hotshots at kuntento sa kanilang narating kahit na nasa labas sila ng Top Four dahil sa inferior quotient.

Magtatapos sila sa  seventh o eighth place.

“We gave emphasis on proper mindset. No matter what, we need to respect the game, our opponent and ourselves,” wika ni Magnolia coach Chito Victolero.

“We have to respect the game; ito nagbigay sa amin ng trabaho at ito ang dahilan kung bakit kami nandito sa bubble. We want to win each game we play. Going to the playoffs, kung sino man makalaban namin, pagtatrabahuhan namin.”

Bumuo sina Ian Sangalang, Chris Banchero, Mark Barroca at  Aris Dionisio ng deadly second-group para sa Hotshots kung saan tumapos ang bawat isa sa kanila na may double-digit output.

Nakuha ni Dionisio ang Best Player of the Game honors na may 12-point outing, kasama ang 4 rebounds, 3 blocks, 1 assist at 1 steal.

“Happy ako ‘yung hard work niya lumabas at nagbunga,” sabi ni Victolero patungkol sa kanilang rookie recruit.

“May laro naman talaga ‘yan, kaya namin kinuha. Chemistry lang ang issue dahil nakasama lang namin siya dito na sa bubble. Ngayon pa lang niya nakikilala ang mga teammates niya,” dagdag ni Victolero.

Nanguna si Sangalang para sa Hotshots na may 17 points at  10 rebounds.

Samantala, nagpainit ang Meralco para sa quarterfinals nang pataubin ang NorthPort, 80-73.

Sa unang laro ay matikas na tinapos ng NLEX ang kanilang kampanya, isang araw makaraang masibak sa kontensiyon kasunod ng panalo ng

Rain or Shine laban sa TNT Tropang Giga, sa pamamagitan ng 127-101 pagdurog sa Terrafirma. CLYDE MARIANO

Iskor:

Unang laro:

NLEX (127) – Ravena 23, Soyud 16, Cruz 12, Semerad 11, Taulava 11, Paniamogan 9, Ayonayon 9, McAloney 9, Miranda 8, Ighalo 7, Galanza 7, Quinahan 5, Varilla 0.

Terrafirma (101) – Perez 27, Khobuntin 18, Ramos 15, Camson 10, , Cahilig 8, Celda 7, Tiongson 6, Batiller 4, Faundo 3, Balagasay 2, Gabayni 1, Agovida 0.

QS: 23-26-55-44, 97-71, 127-101.

Ikalawang laro:

Meralco (80) — Quinto 14, Newsome 11, Almazan 11, Amer 10, Jackson 10, Jamito 6, Black 5, Faundo 4, Maliksi 3, Salva 2, Caram 2, Hodge 2, Pinto 0, Jose 0.

NorthPort (73) — Cruz 15, Taha 14 , Nabong 14, Subido 9,Ferrer 9, Guinto 7, Manganti 2, Revilla 2, Elorde 1.

QS: 23-14; 39-30; 67-50; 80-73.

Ikatlong laro:

Magnolia (95) – Sangalang 17 , Banchero 14, Dionisio 12, Barroca 11, Lee 10, Dela Rosa 9, Jalalon 8, Melton 3, Abundo 3, Corpuz 2, Reavis 2, Calisaan 2, Saitanan 2.

Blackwater (80) – Canaleta 14, Trollano 13, Sumang 9, Belo 8, Dario 8, Gabriel 8,Dennison 6, Escoto 4, Tolomia 4,Dario 3, Magat 3, Magat 3, Salem 3, Golla 0.

QS: 32-15; 48-36; 73-56; 95-80.

Comments are closed.