Mga laro ngayon:
DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga
2 p.m. – Meralco vs Blackwater
4:35 p.m.- Alaska vs TN
ISINALPAK ni Calvin Abueva ang game-winning basket sa huling segundo upang ihatid ang Magnolia Hotshots sa kapana-panabik na 90-89 panalo kontra NorthPort kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
Naghahabol ng isang puntos, may dalawang segundo ang nalalabi sa laro, ipinasa ni Rome dela Rosa ang bola kay Abueva para sa isang short jumper para sa game-winning shot bago ang final buzzer.
Nanguna si Ian Sangalang para sa Hotshots na may double-double na 26 markers at 10 boards, habang tumapos si Abueva na may 15 points, 5 rebounds, at 4 assists.
“That’s a designed play, a backscreen to Calvin ala-alley-oop. And then kung wala iyon next option si Paul,” wika ni Magnolia coach Chito Victolero.
Umangat ang Hotshots sa 7-3 kartada upang samahan ang TNT sa quarterfinals.
“That was our goal today. We talked about our focus, at the same time what’s at stake in this game,” ani Victolero, at idinagdag na sisikapin nilang magwagi kontra San Miguel Beer sa Linggo at umasang makopo nila ang No. 2 spot at huling twice-to-beat ad-vantage sa susunod na round.
Ang pagkatalo ay ikalawang sunod ng NorthPort, na bumagsak sa 4-5 record at nakatabla ang Barangay Ginebra sa ika-7 puwesto.
Sa pagkatalo ng NorthPort ay nakasiguro na rin ang Meralco at Rain or Shine sa susunod na round sa pagkakaroon ng anim na panalo na siya ngayong bagong numero ng panalo para umusad.
Sa kanyang pagbabalik ay nagbuhos si Greg Slaughter ng 21 points, 8 rebounds at 5 blocked shots habang nagdagdag si fellow returnee Sean Anthony ng16 points at 6 boards.
Tumipa sina Paolo Taha at Jamie Malonzo ng tig-14 points subalit nabigo pa rin ang NorthPort na masustina ang magandang simula kung saan umabante sila sa 26-9.
Sa ikalawang laro, pinataob ng San Miguel Beer ang Phoenix Super LPG, 110-80, upang umabante rin sa quarterfinals. CLYDE MARIANO
Iskor:
Unang laro:
Magnolia (90) – Sangalang 26, Abueva 15, Lee 13, Barroca 10, Dela Rosa 10, Ahanmisi 8, Dionisio 6, Jalalon 2, Brill 0, Corpuz 0, Reavis 0, De Leon 0, Capobres 0, Pascual 0.
NorthPort (89) – Slaughter 21, Anthony 16, Taha 14, Malonzo 14, Bolick 10, Onwubere 4, Lanete 4, Balanza 2, Rike 2, Ferrer 2, Subido 0, Elorde 0, Doliguez 0, Grey 0, Faundo 0.
QS: 12-26, 44-47, 68-67, 90-89.
Ikalawang laro:
San Miguel Beer (110) – Perez 24, Tautuaa 19, Fajardo 18, Santos 16, Ross 9, Lassiter 8, Pessumal 5, Zamar 5, Romeo 3, Sena 3, Gotladera 0, Comboy 0, Gamalinda 0.
Phoenix (80) – Perkins 18, Banchero 13, Muyang 12, Garcia 11, Wright 10, Manuel 8, Chua 6, Jazul 2, Calisaan 0, Pascual 0, Melecio 0, Tamsi 0, Rios 0.
QS: 24-21, 55-47, 85-59, 110-80.
968746 252688Some genuinely intriguing info , effectively written and loosely user genial . 85998
481944 185346We stumbled over here coming from a different internet page and thought I may check issues out. I like what I see so now im following you. Appear forward to exploring your web page however again. 786703
638932 234961This internet website is actually a walk-through for all of the info you wanted about this and didnt know who to ask. Glimpse here, and youll undoubtedly discover it. 901712
225018 196761Merely wanna input which you have a extremely good web site , I love the pattern it really stands out. 347275
783738 602482I ought to appear into this and it would be a difficult job to go over this completely here. 287326