HOTSHOTS DISKARIL SA E-PAINTERS

rain or shine

Mga laro bukas:

(Cuneta Astrodome)

4:30 p.m. – Phoenix vs NLEX

7 p.m. – Meralco vs NorthPort

NAPIGILAN ng Rain or Shine ang pagmartsa ng Magnolia sa quarterfinals nang maitakas ang 86-82 panalo sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Nagbuhos si Beau Belga ng 22 points at 5 rebounds mula sa bench, habang nag­dagdag si bagong import Carl Montgomery, pumalit kay injured Denzel Bowles, ng 20 points, 12 rebounds, 4 assists, 2 blocks, at 2 steals para tulungan ang Elasto Painters na palakasin ang kanilang playoff bid..

Naging sandigan din ng Rain or Shine ang young guns kung saan pinangunahan nina Javee Mocon, Ed Daquioag, at Kris Rosales ang kanilang fourth-quarter surge.

Tabla ang talaan sa 69-69 sa kaagahan ng final quarter bago nagpasabog ang Elasto Painters ng 11-0 bomba, tampok ang pitong sunod na puntos ni Mocon at sinelyuhan ng back-to-back buckets nina Rosales at Daquiaoag.

Agad namang tumugon ang Hotshots ng tatlong sunod na triples mula kina Mark Barroca at Jio Jalalon upang tapyasin ang deficit sa apat, 78-82, wala nang tatlong minuto ang na­lalabi.

Subalit naubusan na oras ang Hotshots para makumpleto ang paghahabol at nalasap ang ikatlong sunod na kabiguan para sa 5-5 marka.

Nagdagdag si Daquioag ng 14 points, habang gumawa sina  Mocon at Rosales ng tig-7 points.

Nagbida si Ian Sangalang para sa Hotshots na may 24 points, 8 rebounds, at 2 blocks, habang nag-ambag si import James Farr ng 19 points at 23 rebounds.

Iskor:

Rain or Shine (86) – Belga 22; Montgomery 20, Daquioag 14, Rosales 7, Mocon 7, Norwood 5, Nambatac 5, Ponferada 3, Torres 2, Borboran 1.

Magnolia (82) – Sangalang 24, Farr 19, Barroca 14, Lee 9, Jalalon 7, Dela Rosa 6, Herndon 3, Melton 0, Pingris 0, Brondial 0.

QS: 15-22, 35-41, 64-61, 86-82.

Comments are closed.