Mga laro sa Miyerkoles (Dis. 22)
Smart Araneta Coliseum
3 p.m. – Blackwater vs Alaska
6 p.m. – Meralco vs TNT
NAKOPO ng Magnolia Hotshots ang ikalawang sunod na panalo sa 2021 PBA Governors’ Cup kasunod ng 109-98 pagdispatsa sa Rain or Shine Elasto Painters, Linggo sa Araneta Coliseum.
Nagbuhos si American import Mike Harris ng 26 points sa 9-of-17 shooting, habang nagdagdag si Calvin Abueva ng 18 points at 9 rebounds upang pangunahan ang panalo ng Hotshots.
Nakuha ni Jio Jalalon ang Player of the Game award makaraang kumubra ng 14 points, 10 assists at 6 rebounds, habang gumawa ng isang turnover lamang.
Umangat ang Hotshots sa 2-0 makaraang masundan ang 114-87 pagdispatsa sa TerraFirma sa kanilang unang laro. Bumagsak naman ang Elasto Painters sa 2-2.
“It started with our defense,” sabi ni Victolero. “We want to control the pace of the game. I told my players before this game na we need to have that mental toughness because we know this is (going to be) a very physical game.”
Ang kanilang ikalawang panalo sa ika-200 game sa paggabay ni Victolero ay naghanda rin sa kanila para sa kanilang Christmas Day meeting sa Ginebra.
Ang final count ay hindi talagang nagpapakita kung paano kinontrol ng Magnolia ang malaking bahagi ng laro. Ito ay nang magsimula lamang ang Hotshots na itodo ang depensa matapos na isuko ang 31 points sa opening quarter.
“That’s not our defense,” ani Victolero, na ang tropa ay nalimitahan ang Elasto Painters sa 17 points lamang sa second period.
“’Yung energy and aggressiveness on both ends of the floor ‘yun ‘yung nagbigay sa amin ng kaunting edge sa game,” ayon pa kay Victolero, na ang koponan ay gumawa rin ng franchise-low five turnovers habang pinuwersa ang kabila sa 16.
Nanguna si Henry Walker na may 23 points at 6 rebounds para sa E-Painters, na nakakuha rin ng 23 points kay Rey Nambatac at 20 kay Mocon. CLYDE MARIANO
Iskor:
Magnolia (109) – Harris 26, Abueva 18, Jalalon 14, Sangalang 11, Dela Rosa 9, Ahanmisi 8, Corpuz 8, Barroca 6, Dionisio 5, Lee 4, Brill 0.
Rain or Shine (98) – Walker 23, Nambatac 23, Mocon 20, Belga 14, Torres 4, Borboran 4, Norwood 3, Jackson 3, Caracut 2, Ponferada 2, Asistio 0, Wong 0, Santillan 0.
QS: 34-31, 55-48, 86-73, 109-98