HOTSHOTS HUMIRIT NG GAME 5

PINALAWIG ng Magnolia ang kanilang kampanya sa PBA Governors’ Cup, ipinuwersa ang do-or-die game kontra Rain or Shine sa pamamagitan ng 129-100 panalo sa Game 4 ng kanilang quarterfinals series kagabi sa Ninoy Aquino Stadium.

Nagbida sina Jabari Bird at Paul Lee sa panalo na kinakailangan ng Hotshots upang makaiwas sa pagkakasibak.

Maagang naghabol ang Magnolia, 11-2, subalit nakahanap ng paraan upang makabalik sa laro na sa huli ay napagwagian ng Hotshots sa kabila ng pagliban ni Zavier Lucero, isa sa central figures sa kanilang pagkatalo sa

Game 3.
Nakatakda ang Game 5 sa Sabado sa Ynares Center sa Antipolo City.

Umiskor si Bird ng kanyang kadalasang numero ngunit si Lee ang tumulong sa Hotshots na makalayo makaraang kumana ng 15 points sa third quarter.
CLYDE MARIANO

Iskor:
Magnolia (129) – Bird 30, Lee 25, Ahanmisi 14, Barroca 10, Sangalang 10, Abueva 9, Dela Rosa 9, Dionisio 9, Mendoza 8, Eriobu 5, Laput 0.

Rain or Shine (100) – Fuller 22, Clarito 15, Nocum 11, Belga 11, Caracut 11, Mamuyac 10, Asistio 5, Santillan 4, Tiongson 4, Ildefonso 4, Datu 2, Lemetti 1, Norwood 0.

Quarters: 26-26; 62-44; 99-79; 129-100.