Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
5 p.m. – Converge vs San Miguel
7:30 p.m. – Ginebra vs Meralco
TINAMBAKAN ng Magnolia Chicken Timplados ang Rain or Shine, 121-69, upang itabla ang PBA Governors’ Cup quarterfinal series sa 1-1 kagabi sa City of Santa Rosa Multi-Purpose Complex.
Agad na nagpasiklab si Jabari Bird sa kanyang unang laro para sa Hotshots at pinangunahan ang koponan sa 52-point blowout upang ipatas ang best-of-five series sa 1-1.
Ang Elasto Painters ay natalo sa record fashion, kung saan ang kanilang five-point production sa second quarter ay tumabla sa league worst na nagawa ng apat na beses sa finals, ngunit una sa isang playoff series.
Nalasap din ng Rain or Shine ang pinakamasamang pagkatalo sa franchise history, nahigitan ang 43-point defeat kontra Barangay Ginebra, 114-71, noong May 24, 2009 sa isang playoff para sa second-seed sa Fiesta Conference.
Kumana si Bird, sa kanyang unang laro makaraang palitan si Rayvonte Rice, ng 22 points at 13 rebounds, habang nagdagdag si Calvin Abueva ng 18 points at 10 rebounds para sa Hotshots, na umiskor ng 32 sa second quarter upang lumayo.
CLYDE MARIANO
Iskor:
MAGNOLIA (121) – Bird 22, Abueva 18, Sangalang 12, Barroca 11, Eriobu 11, Dela Rosa 11, Dionisio 9, Lucero 9, Mendoza 7, Laput 4, Lee 4, Balanza 2, Reavis 1, Alfaro 0, Ahanmisi 0, Escoto 0.
RAIN OR SHINE (69) – Nocum 13, Lemetti 11, Asistio 7, Datu 7, Clarito 6, Santillan 6, Mamuyac 5, Tiongson 5, Fuller 4, Belga 4, Caracut 1, Escandor 0, Borboran 0, 0, Ildefonso 0, Villegas 0, Norwood 0.
QUARTERS : 34-23, 66-28, 88-49, 121-69