HOTSHOTS NAKA-2 SUNOD NA PANALO

TAAS paang atake ni Abu Tratter ng Magnolia laban kay Simon Camacho ng Phoenix sa PBA Philippine Cup sa Ninoy Aquino stadium. Kuha ni RUDY ESPERAS

Mga laro sa Miyerkoles:
(Ninoy Aquino Stadium)

4:30 p.m. – Rain or Shine vs NorthPort

7:30 p.m. – Magnolia vs Blackwater

BUMAWI ang Magnolia mula sa masamang second quarter upang maging back-to-back winner sa unang pagkakataon sa PBA Philippine Cup sa pamamagitan ng come-from-behind 107-93 win laban sa Phoenix Super LPG nitong Linggo sa Ninoy Aquino Stadium.

Isinuko ng Hotshots ang 39 points sa Fuel Masters sa second period subalit nalimitahan ang huli sa 36 lamang sa buong second half na nagbigay-daan para masundan ang kanilang 104-97 panalo laban sa NorthPort noong nakaraang Miyerkoles.

“We had a serious talk at halftime. We allowed them to score 39 points in the second quarter and that’s not us. I think that’s the worst defensive quarter for us,” wika ni Magnolia coach Chito Victolero.

“So I told them we were outhustled and outworked in the second quarter. We did a very good job in the first quarter, but in the second we all chilled.”

Ang mga puntos na iyon ang pinakamalaking naisuko sa isang quarter ng Magnolia magmula nang hayaan ang TNT na magpasabog ng 40 sa opening frame ng kanilang 2021 Philippine Cup finals.

Tumapos si Mark Barroca na may career best-tying 27 points at nagdagdag si Ian Sangalang ng 23 points at 9 boards, subalit ang unlikely duo nina Joseph Eriobu at Abu Tratter ang higit na kuminang sa second half.

Naitala ni Eriobu ang lahat ng kanyang 11 points sa second half at ni Tratter ang lahat ng kanyang walo nang kunin ng Magnolia ang  79-77 kalamangan sa pagtatapos ng third period. Ang dalawa ay nagtuwang din para sa 10 points sa 12-2 run simula sa fourth frame na nagpalaki sa kalamangan ng Hotshots sa 91-79 bago bumalik ang kanilang starters at pinalobo ang bentahe sa hanggang  103-85.

Sa panalo ay umangat ang Magnolia sa 3-2 habang nahulog ang  Phoenix sa 2-5.

Sa kanyang pinakamagandang laro sa torneo, si RJ Jazul ay tumapos na may 21 points at nag-ambag si Kenneth Tuffin ng 17. Nagtala si Jason Perkins ng 16 points subalit na-sideline sa malaking bahagi ng second half dahil sa foul trouble.

CLYDE MARIANO

Iskor:

Magnolia (107) — Barroca 27, Sangalang 23, Jalalon 13, Eriobu 11, Tratter 8, Dionisio 7, Lee 7, Abueva 6, Balanza 2, Mendoza 2, Reavis 1, Escoto 0, Laput 0.

Phoenix (93) — Jazul 21, Tuffin 17, Perkins 16, Mocon 11, Salado 8, Verano 8, Alejandro 6, Rivero 6, Muyang 0, Camacho 0, Daves 0, Lalata 0.

QS: 28-18; 47-57; 79-77; 107-93.