Mga laro sa Biyernes:
Mall of Asia Arena
3 p.m. – NLEX vs Ginebra
6 p.m. – Magnolia vs Meralco
NAITAKAS ng top seed Magnolia ang come-from-behind win, 94-80, sa Game 1 ng kanilang best-of-five semifinal series sa PBA Governors’ Cup kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Hindi naging madali ang panalo ng Hotshots. Kinailangan nilang gamitin ang kanilang buong puwersa sa second half matapos maghabol ng17 points sa first half para mapanatilli ang kanilang dominasyon sa Bolts.
Naiganti ng Magnolia ang pagkatalo ng sister team San Miguel Beer sa Meralco, 100-85, sa quarterfinals.
Muling maghaharap ang Magnolia at Meralco sa Game 2 sa Biyernes sa parehong venue.
Nahirapan ang Magnolia na makuha ang kanilang rhythm at nakopo ang tempo ng kanilang laro sa crucial second half.
“Nahirapan at hindi namin makuha ang rhythm ng laro sa first half. We’re able to regain our composure in the second half. They delivered the crucial points we needed,” sabi ni winning coach Chito Victolero, na target ang pangalawang PBA title.
“We have to play better and consolidate our efforts in Game 2. Meralco is dangerous. They gave us hard times bago kami nanalo. Expect a good series,” wika ni Victolero.
Masakit ang pagkatalo ng Meralco dahil maaga nitong kinontrol ang laro. Biglang humina ang kanilang boltahe at nagkaroon ng short circuit sa second half. CLYDE MARIANO
Iskor:
Magnolia (94) – Harris 26, Jalalon 15, Lee 13, Abueva 12, Barroca 9, Dionisio 7, Dela Rosa 6, Wong 5, Sangalang 1, Reavis 0, Brill 0, Corpuz 0.
Meralco (80) – Banchero 16, Quinto 13, Bishop 10, Newsome 8, Maliksi 7, Black 7, Baclao 6, Hodge 5, Almazan 4, Caram 2, Hugnatan 2, Jose 0.
QS: 12-22, 35-43, 64-56, 94-80.