HOTSHOTS NAKAUNA SA FUEL MASTERS

PBA Commissioner's Cup Season 48
KINALAWIT ni Calvin Abueva ng Magnolia ang bola laban kay Jason Perkins ng Phoenix sa Game 1 ng PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinals kahapon sa Araneta Coliseum. Kuha ni RUDY ESPERAS

Mga laro sa Biyernes:
(Mall of Asia Arena)

4 p.m. – San Miguel vs Ginebra

8 p.m. – Magnolia vs Phoenix

NALUSUTAN ng Magnolia ang Phoenix upang makauna sa PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinals, 82-79, kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagbuhos si Magnolia reinforcement Tyler Bey ng 23 points, 10 rebounds, at 2 assists, habang nagdagdag si Paul Lee ng 11 points.

Nanguna si Jason Perkins para sa Phoenix na may 25 points, habang nalimitahan si import Johnathan Williams sa 11 points subalit kumalawit ng 18 rebounds at nsgbigay ng 7 assists.

Nakatakda ang Game 2 sa Biyernes sa Mall of Asia Arena.

CLYDE MARIANO

Iskor:

Magnolia (82) – Bey 23, Lee 11, Barroca 10, Abueva 9, Sangalang 8, Dionisio 8, Jalalon 7, Laput 6, Dela Rosa 0, Tratter 0, Mendoza 0.

Phoenix (79 ) – Perkins 25, Jazul 13, Mocon 11, Williams 11, Tio 6, Tuffin 5, Garcia 3, Manganti 3, Lalata 2, Verano 0, Rivero 0, Soyud 0, Alejandro 0, Daves 0, Camacho 0.

QS: 18-16, 38-41, 61-60, 82-79.