Mga laro ngayon:
(Ynares Arena-Pasig)
3 p.m. – Blackwater vs Phoenix
(Batangas City Coliseum)
6:15 p.m. – San Miguel vs Meralco
NALUSUTAN ng Magnolia si hotshooting Stephen Holt at ang matikas na pakikihamok ng Terrafirma, 108-100, upang kunin ang ikatlong playoffs berth sa PBA Philippine Cup nitong Biyernes sa Philsports Arena.
Bumanat ang Hotshots ng 7-0 run sa huling dalawang minuto, kabilang ang limang sunod ni Mark Barroca upang makalayo sa Dyip, 106-98, may 54 segundo ang nalalabi.
Sa panalo ay naputol ang two-game slide ng Magnolia, na pormal na sinamahan ang San Miguel at Barangay Ginebra sa quarterfinals.
Tumapos si Ian Sangalang na may 23 points, kabilang ang layup, may 2:03 sa orasan, na nagsindi sa late run ng Magnolia.
Nagdagdag si Barroca ng 21 at nakakuha ang Hotshots ng key contributions mula kay veteran team
captain Rafi Reavis, na nagtala ng double-double na 10 points at 13 rebounds.
“Right now, it’s playoffs time. All teams are levelling up right now. So it’s just time to battle. Playoffs is a different atmosphere than the elimi- nations, so preparation is going to be the key. We have to be more attentive to details and be ready for whatever stands in front of us,” wika ni 46-year-old Reavis.
Umangat ang Magnolia sa 6-4 over-all, may isang laro pa ang nalalabi sa Linggo kontra TNT Tropang Giga.
Nabasura ang season-high 32 points ni Holt, na nagbuhos ng 13 points sa fourth quarter kung saan pinangunahan niya ang paghahabol ng Terrafirma mula sa 66-53 third quarter deficit upang magbanta sa 99-98 sa likod ng kanyang ikatlo at huling three-pointer para sa laro.
Ang top rookie pick noong nakaraang season ay nagbigay rin ng 8 assists para sa Dyip, na nakakuha ng 14 points mula kay Juami Tiongson at tig-13 mula kina Isaac Go (10 rebounds) at Javi Gomez De Liano.
Tinapos ng Terrafirma ang eliminations na may 5-6 record katabla ang NorthPort at hinihintay ngayon
kung magkakaroon ng playoff para sa no. 8 quarterfinals berth.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Magnolia (108) — Sangalang 23, Barroca 21, Lee 17, Reavis 10, Eriobu 8, Balanza 8, Jalalon 7, Dela Rosa 5, Dionisio 5, Tratter 4.
Terrafirma (100) — Holt 32, Tiongson 14, Go 13, Gomez de Liano 13, Cahilig 9, Alolino 7, Carino 7, Sangalang 4, Ramos 1, Calvo 0, Camson 0.
QS: 28-16; 50-44; 80-71; 108-100.