HOTSHOTS, TROPANG GIGA NAKAUNA

NAG-INIT ang Magnolia Hotshots sa  fourth quarter upang makalayo at maitarak ang 88-79 panalo kontra Meralco Bolts sa Game 1 ng kanilang best-of-seven  semifinal series sa 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa  Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Na-outscore ng Hotshots ang Bolts, 27-12, sa krusyal na final quarter upang mapalobo ang kalamangan at kunin ang 1-0 kalamangan sa serye.

Tumapos si Ian Sangalang na may 18 points at 8 rebounds at pinangunahan ni Paul Lee ang mahusay na guard rotation ng Hotshots sa pagkamada ng 17 points. Maging si Rafi Reavis ay nagtala ng near-double-double na 9 points at 10 rebounds.

Subalit si Calvin Abueva na umiskor ng walo sa kanyang 13 points at gumawa ng dalawang steals at isang assist sa kabila na naglaro na may limang fouls sa fourth period ang naging sandigan ng Magnolia upang makauna sa serye.

“The way Calvin, nu’ng tumingin siya sa akin nu’ng fourth quarter, gustong-gusto niyang maglaro, eh. So sabi ko, bahala na basta ingatan lang niya,” wika ni Hotshots coach Chito Victolero.

“Ayun, at least ang laking tulong. Nakakuha kami ng energy sa kanya sa opensa saka sa depensa. Iba rin talaga pag nandoon si Calvin sa loob.”

Ang mahalaga kay Victolero ay naiwasan ng kanyang koponan na kumulapso sa  endgame na nagresulta sa pagkatalo nila sa Bolts, 94-95, noong nakaraang Sept. 1, nang masayang ng Hotshots ang 12-point lead sa huling dalawang minuto.

“We learned a lot last time, during the eliminations. We only played 46 minutes,” ani Victolero.”Dito kung nakita n’yo, even if we’re up by 12 we keep on pressuring the ball because you know they can come back. We want to finish the game kumbaga hard.”

Naitala ni Abueva ang unang apat sa kanyang mga puntos sa pagsindi sa initial 10-0 run ng Magnolia, na nagbigay sa koponan ng  73-69 kalamangan.

Sa ikalawang laro ay naungusan ng TNT Tropang Giga ang San Miguel Beermen, 89-88, upang kunin ang Game 1 ng kanilang best-of-seven semi-finals series.

Nanguna si RR Pogoy para sa TNT na may 23 points, habang nagtala sina Jayson Castro, Poy Erram, at Troy Rosario ng double digits na may 16, 15, at 14 points, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Nagbida naman si CJ Perez para sa Beermen na may 23 points. Nagtala si June Mar Fajardo ng 13 points at 11 rebounds, nagdagdag si Arwind Santos ng 12 markers at 9 boards, habang nag-ambag si Marcio Lassiter ng 10 points at 7 rebounds. CLYDE MARIANO

Iskor:

Unang laro

Magnolia (88) – Sangalang 18, Lee 17, Abueva 13, Jalalon 12, Barroca 11,Reavis 9, Dela Rosa 6, Dionisio 2, Brill 0, Corpuz 0, Melton 0, Ahanmi-si 0, De Leon 0, Capobres 0, Pascual 0.

Meralco (79) – Quinto 14, Belo 11, Caram 11, Hugnatan 10, Almazan 9, Newsome 8, Hodge 7, Pinto 6, Maliksi 3, Jackson 0, Jose 0, Pasaol 0, Baclao 0, Jamito 0.

QS:  22-17, 47-40, 61-64, 88-79.

Ikalawang laro

TNT (89) – Pogoy 23, Castro 16, Erram 15, Rosario 14, Williams 7, Montalbo 5, Khobuntin 4, Marcelo 3, Reyes 2, Exciminiano 0, Heruela 0, Alejandro 0, Javier 0, Mendoza 0.

SMB (88) – Perez 23, Fajardo 13, Santos 12, Lassiter 10, Cabagnot 8, Ross 8, Romeo 8, Tautuaa 6, Pessumal 0, Zamar 0, Gotladera 0, Comboy 0, Gamalinda 0, Sena 0.

QS:  19-17, 42-41, 71-60, 89-88.

Comments are closed.