Laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
6:15 p.m. – San Miguel vs Magnolia
(Game 5)
DINISPATSA ng Magnolia ang San Miguel, 96-85, sa Game 4 ng PBA Commissioner’s Cup Finals kagabi sa Araneta Coliseum.
Sa panalo ng Hotshots ay tabla na ngayon ang best-of-seven finals series sa 2-2.
Tabla ang laro sa 79-79, may 6:57 ang nalalabi sa fourth period bago bumanat ang Hotshots ng 8-0 run upang kunin ang 87-79 bentahe sa 4:40 mark at nakontrol ang laro tungo sa panalo.
Na-outscore din ng Magnolia ang San Miguel, 24-12, sa fourth period makaraang tapusin ng Beermen ang third quarter na may 73-72 kalamangan.
Nagbuhos si import Tyler Bey ng 26 points at 12 rebounds, habang nagdagdag sina Mark Barroca at Paul Lee ng tig-14 points para sa Magnolia.
Nagtala si June Mar Fajardo ng 18 points at 13 boards, habang nagposte rin si import Bennie Boatwright ng double-double na may 16 points at 14 rebounds.
CLYDE MARIANO