HOTSHOTS UNGOS SA BATANG PIER

Mga laro ngayon:
(Ynares Center-Antipolo)
3 p.m. – NLEX vs TNT
6 p.m. – Meralco vs Converge

SUMANDIG ang Magnolia kay Rome dela Rosa upang maitakas ang 80-77 panalo kontra dating walang talong NorthPort sa PBA Philippine Cup kahapon sa Mall of Asia Arena.

Isinalpak ni Dela Rosa ang isang tres sa left wing upang bigyan ang Hotshots ng three-point lead na naging pinal na iskor makaraang sumablay si Arwind Santos sa kanyang sariling tres sa huling tira ng Batang Pier sa huling tatlong segundo ng laro.

Ang tira ay naging pagpapatunay, sa ngayon, sa tiwala at paniniwala ni coach Chito Victolero sa kanyang tropa na patuloy na nakikihamok sa kabila ng pananalanta ng injuries, na sinisi niya sa pagkatalo sa TNT at Converge sa pagsisimula ng season.

“Sabi ko nga, wala akong question, wala akong masasabi sa effort of my players,” sabi ni Victolero. “But, you know, it’s all about the breaks of the game. Maybe, also it’s about executing in the end. But now we did a good job in executing on both ends.”

Sumalang si Paul Lee sa kanyang unang laro sa season at tumipa ng 12 points sa kaagahan ng laro ngunit nabigong tapusin ang laro nang muling tumigas ang kanyang likod, habang naglaro rin sina Mark Barroca, Aris Dionisio at Ian Sangalang na may iniindang sakit.

Nanguna para sa Magnolia si Calvin Abueva na may game-high 23 points at 12 rebounds, habang tumapos si while Sangalang na may 8 points at 10 boards.

“That sense of urgency in terms of executing, in terms of consistency, the effort and the desire. I think nagawa naman namin,” ani Victolero.

Ang pagkatalo ay una ng NorthPort sa tatlong laro.

Nagbida para sa NorthPort si Santos na may 18 points at 12 boards at naitala ni Jamie Malonzo ang kanyang sariling double-double na 15 at 10, at tinulungan ang Batang Pier na manatiling nakadikit sa laro sa kabila na naghabol sa 23-40 sa kaagahan ng laro.

Tumapos din si Roi Sumang na may 15 points, 12 ay sa fourth period, ngunit ang tira ni Robert Bolick sa malayo ang nagbigay sa kanya ng 13 points at ng 77-75 bentahe sa NorthPort, may 54 segundo sa orasan.

– CLYDE MARIANO

Iskor:
Magnolia (80) – Abueva 23, Lee 12, Dionisio 12, Sangalang 8, Barroca 8, Jalalon 8, Dela Rosa 3, Wong 3 ,Corpuz 2, Reavis 1, Zaldivar 0.
NorthPort (77) – Santos 18, Malonzo 15, Sumang 15, Bolick 13, Calma 7, Balanza 4, Ferrer 3, Vigil 2, Ayaay 0, Dela Cruz 0, Javier 0.
QS: 21-17, 42-33, 57-55, 80-77