DALAWA na bale ang negosyo ng Kapuso petite actress na si Kris Bernal— ang Meat Kris at ang bagong business venture na unlimited Korean barbecue grill na House of Gogi. Pinagsasabay ngayon ng 29-year-old actress ang showbiz at ang pagiging isang entrepreneur simula nang magbenta siya ng burgers sa Meat Kris. Ngayon naman ay hands-on si Kris sa kanyang kabubukas lang na restaurant sa Quezon City.
“Ang dream ko talaga is, I want to put up a full-blown restaurant. For burgers kasi, hindi siya magwo-work if gawin ko siyang malaking restaurant. Sabi ko, kailangan ko ng mas patok so nag-come up ako ng unli-Korean barbecue grill,” say ni Kris.
Ang aktres daw mismo ang nag-design at bumili ng mga kagamitan para sa kanyang dream restaurant. “Start small,” ika niya.
Matatagpuan ang House of Gogi sa 55 Dapitan Street, Santa Mesa Heights, Banawe, Quezon City na talaga namang dinarayo araw-araw ng mga customer.
SINGER-DANCER NA SI JC GARCIA PROUD SA BANDA NIYANG PROJEX INX
ALAGA at pinahahalagahan ng singer-dancer na si JC Garcia ang kanyang bandang Projex INX na kinabibilangan nina Jun, Rene, Atonio, Joel at Jobert Devicasis. Ang mga ito ang madalas na nakakasama ni JC sa kanyang mga concert at dahil magaling ang banda ay mas lalong humuhusay daw ang performance ni JC at pakiramdam niya kulang siya kapag hindi sila ang back-up niya sa mga show na ginagawa.
Pinupuri ni JC ang Projex INX dahil kapag kailangan niya ang mga ito lalo na sa rehearsals. “Siguro dahil nakikita nila na pro-fessional akong artist kaya ganoon din sila.
Basta mahuhusay sila at alam na nila lahat ang lists of songs na kinakanta ko tuwing may concert. Kapag may gusto akong kantahing bago ay madali nilang nakakapa kaya nagiging perfect ‘yung bawat performance,” pagmamalaki pa ni JC sa nasabing band na kasama niya sa successful niyang “Simply The Best Part 2” concert last April 13 sa Holiday Villa Restaurant sa Sacramento California. Most applauded si JC at ang kanyang banda ng kantahin nito ang isa sa classic hits ng Scorpion na “Still Loving You.” At dahil sa tagumpay ang kanyang concert ay soon ay muling mapapanood ang kilalang singer sa California U.S.A sa Simply The Best Part 3.
EAT BULAGA LENTEN SPECIALS KINABOG ANG LENTEN NG KATAPAT NA SHOW
NILAMPASO ng Eat Bulaga sa tatlo nilang mala-pelikulang episodes sa kanilang Lenten special ang palabas na lenten ng katapat na It’s Showtime. Ang “Ikigai” episode na pinagbidahan nina Bossing Vic Sotto, Pauleen Luna, Ryzza Mae Dizon, at Jose Manalo na sa Japan pa nag-shoot ang siyang nakakuha ng mataas na ratings na sinundan ng Bulawan na pinagbidahan ni Alden Richards kasama sina Ryan Agoncillo, Wally Bayola, Baeby Baste at Joey de Leon.
Pumalo rin sa magandang rating ang Biyaheng Brokenhearted nina Maine Mendoza at Ryan Agoncillo.
Well ilang dekada na kasing may palabas na lenten ang Bulaga kaya hindi na ito makakabog pa ng Show-time kahit na tumulay pa sa alambre at kumain ng apoy sina Vice Ganda at Anne Curtis.