Ano ang mga patunay na true-blue Pinoy ka?
Generally, marunong magsalita ng English ang mga Filipino — kahit bata o katanda, tagabukid man o tagasiyudad. Sa totoo lang, tayo ang fifth largest English speaking nation in the world, kung saan ang medium of instructions sa iskwelahan ay magkahalong English at Filipino, habang sa mga interview naman sa employment ay kadalasang English, maging sa mga meetings. Kahit sa Senate at Congress, English ang medium sa deliberation at privileged speech, liban na lang kay former Philippine President Joseph Estrada na nag-privilege speech sa Tagalog.
Mayroon tayong tinatawag na Philippine English na well-accepted sa buong mundo. Ito ang dahilan kung bakit napakadali ng ating communication sa mga English speakers. Bilang karagdagang impormasyong, hindi lamang sa English fluent ang mga Pinoy. Mahusay rin tayo sa Spanish. Madali rin tayong matuto ng ibang lenggwahe, lalo na ang mga OFWs na napipilitang magtrabaho sa abroad ng hindi bababa sa dalawang taon. Syempre, ang first four ay United Kingdom, United States, Australia, at Canada. Panlima Ang Pilipinas, sixth ang New Zealand, dahil mas maraming baka sa kanila kesa tao, at hindi naman English ang language ng baka.
Pero mind you, mayroon tayong mahigit 170 dialects sa Pilipinas bukod sa mga languages na sinasalita natin.
Take note! Nangunguna tayo sa buong Mundo sa pagiging selfie-takers. Mahilig kasi tayo sa memento. Yung ‘times of your life’ na binabalik-balikan lalo na kung malungkot tayo. Sentimental at romantic kasi ang mga Pinoy kahit pa Yung mga nagkukunwaring westernized na sila. Text capital of the world din ang Pilipinas! Ayon sa pag-aaral, millions of texts daw ang ipinadadala natin araw-araw. Social media ang kadalasang means of communication natin, kahit pa yung mga matatandang more than 90 years old na.
Syanga pala … napapalibutan ang Pilipinas ng mga non-Christian nations, pero nananatili tayong Kristiyano in the real sense of the word, kahit nirerespeto rin naman natin ang paniniwala ng iba. For example, Islam ang predominant religion sa Mindanao, at iginagalang natin ang kanilang E’dl F’tr at E’dl Adha. Pati nga Chinese New Year, nakiki-celebrate tayo.
Ngunit dahil predominantly Christians nga tayo, na almost 90 percent at karamihan sa Christians at Catholics, hindi ka na magtataka kung Pilipinas ang may pinakamahabang Christmas celebration. Biruin mong September pa lang, nagsasabit na tayo ng mga Christmas decorations at aalisin lamang ito pagkatapos ng selebrasyon ng “Feast of the Three Kings” na ginagawa sa unang Sunday ng January. And there’s more! May selebrasyon din ng Translation de Jesus Nazareno sa January 9, at ang Sunday after Nazareno naman ay fiesta ng Santo Niño. Sa Cebu City nga, meron pang Sinulog Festival — para din sa Santo Niño.
May isang katangian ang Pinoy na sobrang ipinagmamalaki ko talaga — marami tayong magagaling na singers, at halos lahat ng Filipino, magandang kumanta. Aba, huwag pahahawakin ng microphone sa Karaoke at kahit umagahin, kakanta yan kahit lasing na. Tunay ka! Pag walang kantahan, hindi kumpleto ang party.
Hindi kumpleto ang pagiging Pinoy kung hindi ka kumakain ng ‘balut’, patis at bagoong. Kailangan pa bang i-memorize yan? Hindi tayo kuntento sa toyong sawsawan. Patis at bagoong talaga ang hanap natin. At ang balut? Only for the brave foreigners!
May kakaiba rin tayong mga sasakyan — ang tricycles, jeepney, at kalesa. Jeepney at bus ang public transportation sa cities. Sobrang sikat ng jeepney dahil sa pagiging makulay nito na unique sa Pilipinas. Sabi nga natin, ‘Onli in da Pilipins!’
Meron pa! World-known ang galing at husay ng mga nurses at caregivers na ipinadadala natin sa abroad. Over 25% ng nurses sa United States ay of Filipino descent. Sabi nga ni Sharon Cuneta, “I care for my job, Sir. I care for you.” Tayo kasi, laging emotional. Nagmamahal tayo, hindi naaawa lang.
At syempre, magagalang ang mga Pinoy! Hindi Tayo nakakalimot tumawag ng “ma’am” o “sir.” Sa nakatatanda, tumawag tayo ng “ate” at “kuya” at may “po” at “opo” pa. Aba, wala silang ganyan!
Kaya lang, meron tayong konting negative trait. Yung “Filipino time.” Yung darating ka sa usapang lugar na late ng at least 30 minutes. No-no ito sa mga Westerners. Reflection kasi ito ng ating relaxed attitude. Hindi tayo nagmamadali, at lagi tayong nakangiti kaya walang masyadong stress — for that reason, mas mahaba ang life span natin sa kanila.
One thing special about Filipinos is that, hindi kumpleto ang meal pag walang kanin. Kahit bagoong lang ang ulam, okay na basta may mainit na sinaing — o sinangag sa umaga. Favorite na almusal ng Pinoy, ay mga silog dishes (tapsilog, tocilog, embusilog,vetc) — meaning, may sinangag/sinaing, sunny side-up na itlog at tapa, hotdog, ham o kahit ano pang partner. Kung tinatamad magluto lalo na kung walang pasok sa iskwelahan, pwede nang pandesal na may palamang star margarine at kapeng barako.
Unlike Europeans at Americans na isang beses lang kumain sa maghapon, tayong mga Pinoy ay may tatlong mandatory meals — almusal, tanghalian at hapunan lahat yan, may kanin. There’s more! May dalawang break time sa office — 10:00 am at 3:00 pm, na oras ng meryenda. Coffeebreak daw, pero kapag nagkape tayo, laging may kapartner na kakagatin.
Sa bahay, kung walang pasok, 2 to 3 times ang meryenda time. Sa umaga, 9:00 am; sa hapon, 3:00 pm; at kung minsan (gaano kadalas ang minsan?) sa gabi, may midnight snack pa bago matulog — around 10:00 pm. At ang meryenda, isang meal na ng westerners. Nilagang saging o kamote, banana cue, burgers, spaghetti, pansit, ginataan — naku, maraming pagpipilian! Pero basta, proud ako na Pinoy ako.
Nenet Villafania